Questions


September 2022 1 1 Report
* Isulat sa bahaging A ang pinagmulan ng salitang Asya at ang kahulugan nito;
* Isulat sa bahaging B ang Eurosentrikong pananaw at ang pangunahing
konsepto nito;

May dalawang pananaw sa pag-aaral ng Asya na naghahain ng magkaibang
kaisipan sa heograpiya, kabihasnan, at kasaysayan ng Asya.
Una, ang Eurosentrikong pananaw na nakaugat sa konsepto ng mga
Europeo o mga Kanluranin. Naghahain ang pananaw na ito ng kaisipang superior o
higit na mataas at maunlad ang kultura at kabihasnan ng mga Europeo kumpara
sa kultura at kabihasnang Asyano na itinuturing na inferior o mas mababa.
Itinuturing nitong tagatanggap lamang ang mga Asyano ng mayayaman at mauunlad
na kultura ng mga kanluranin. Diumano ay nangangahulugan ito na ang mga
kabihasnang nabuo ng mga Asyano ay bunga lamang ng impluwensiya ng mga
Kanluranin.
Ikalawa, ang Asyasentrikong pananaw na mauugat sa nasyonalismong
Asyano. Isinusulong ng pananaw na ito ang kaisipang may maunlad at mayaman
nang kabihasnan ang mga Asyano bago pa man dumating at sakupin ang Asya ng
mga kanluranin. Ilan sa mga pangunahing patunay ng kaisipang ito ay ang mga

sinaunang kabihasnang sumibol sa Asya tulad ng mga umusbong sa mga lambak-
ilog ng Tigris at Euphrates sa Kanlurang Asya, Huang Ho sa Silangang Asya, at Indus

sa Timog Asya. Lumaganap ang impluwensiya ng mga kabihasnang ito hindi lamang
sa Asya kundi sa buong mundo sa iba’t ibang larangan.
Sa ating pag-aaral sa heograpiya, kabihasnan, at kasaysayan ng Asya,
gagamitin natin ang Asyasentriko o maka-Asyanong pananaw upang higit nating
mapahalagahan ang kontribusyon ng mga Asyano sa pag-unlad at pagyaman ng
kultura at kabihasnang Asyano. Sa pamamagitan nito, higit pa nating
mapahahalagahan ang ating tungkulin sa pagpapanatili at pagpapatuloy sa
mayaman at maunlad na kabihasnang Asyano.

paki sameraize nga po para sa tanong sa taas

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.