Questions


October 2022 1 3 Report
1. Salik sa paghahating rehiyon ng Asya na tumutukoy sa hugis at pisikal na
katangian ng kalupaan ng isang lugar katulad ng mga anyong lupa at anyong
tubig.
a. topograpiya b. klima c. lokasyon d. kultura
2. Pananaw sa pag-aaral ng heograpiya, kabihasnan, at kasaysayan ng Asya na
nakabatay sa pananaw ng mga Kanluranin.
a. Heliosentriko b. Geosentriko c.Asyasentriko
d. Eurosentriko

3. Tradisyonal na panrehiyong katawagan ng mga Europeo sa mga bansa sa
Timog, Silangan, at Timog-Silangang Asya dahil sa layo ng mga ito sa Europa.
a. Near East b. Middle East c. Far East d. Central
Asia

4. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa Mainland Southeast Asia?
a. Thailand b. Pilipinas c. Indonesia d. East Timor
5. Dalawang bansa sa Timog Asya kung saan bahagi ng kanilang teritoryo ang
kabundukan ng Himalayas kung kaya’t tinatawag ang mga ito bilang bansang
Himalayan.
a. India at Pakistan c. Sri Lanka at Maldives
b. Nepal at Bhutan d. India at Bangladesh

6. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga bansa ang nasa Kanlurang Asya?
a. Georgia, Pakistan, Uzbekistan, Syria, Iran, Iraq, Vietnam, Kyrgysztan
b. UAE, Bahrain, Cambodia, Oman, Brunei Darussalam, Malaysia,
Maldives
c. Qatar, Jordan, Israel, Cyprus, Lebanon, Kuwait, Georgia, Armenia,
Saudi Arabia
d. Azerbaijan, Afghanistan, Yemen, Turkey, East Timor, Mongolia,
Russia, Indonesia

7. Aling pares ng mga bansa ang matatagpuan sa Silangang Asya?
a. Maldives at Taiwan c. Japan at Vietnam
b. North Korea at Qatar d. South Korea at China
8. Anong karagatan ang nagsisilbing hangganan ng Asya sa silangan?

a. Pacific Ocean c. Arctic Ocean
b. Indian Ocean d. Atlantic Ocean
9. Kabundukang nagsisilbing hangganan ng Asya at Europa.

a. Kabundukan ng Himalayas c. Tien Shan Mountains
b. Kabundukan ng Ural d. Karakoram Range
10.Rehiyon ng Asya na tinatawag na “Land of Mysticism” dahil sa maraming
relihiyon at paniniwala ang nagmula rito.
a. Timog Asya b. Hilagang Asya c. Silangang Asya d.
Kanlurang Asya

11.Rehiyon ng Asya na tinaguriang “Little China” at “Farther India” dahil sa
malaking impluwensiya ng kabihasnang Tsino at Indian sa kultura at
kabihasnan nito.

a. Hilagang Asya b. Silangang Asya c. Timog Asya d. Timog-
Silangang Asya

12.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng pangunahing kaisipan
ng Eurosentrikong pananaw sa pag-aaral ng heograpiya, kabihasnan, at
kasaysayan ng Asya?
a. nalinang ang kabihasnang Asyano dahil sa kahusayan ng mga
Asyano
b. tagatanggap lamang ng maunlad at mayamang kultura ng Europa
ang Asya
c. superyor ang kabihasnang nalinang ng mga Asyano kumpara sa mga
Europeo
d. maunlad na ang kabihasnan ng mga Asyano bago pa dumating ang
mga Europeo

13.Bakit tinawag ang Hilagang Asya bilang Arctic Asia?

a. malamig ang klima dito sa buong taon dahil sa lapit nito sa Arctic
Ocean
b. tuyo at mainit ang klima rito kung kaya nagtataglay ito ng mga
disyerto
c. walang anumang halaman ang nabubuhay sa rehiyon dahil sa
kawalan ng ulan
d. malaki ang impluwensiya ng monsoon sa pamumuhay ng mga
mamamayan dito

14.Paano nakaapekto ang katangiang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano sa
Kanlurang Asya?
a. pagtotroso sa mga kagubatang tropikal ang ikinabubuhay ng mga
mamamayan
b. nagpapastol ang maraming mamamayan sa malalawak na damuhan
ng rehiyon
c. naninirahan ang mga mamamayan sa mga oasis kung saan may
suplay ng tubig
d. nangingibang bansa ang karamihan ng mga mamamayan dahil sa
mainit na klima

15.Bakit mahalaga para sa ating mga Asyano na gamitin ang Asyasentrikong
pananaw sa pag-aaral ng heograpiya, kabihasnan, at kasaysayan ng Asya?
a. upang mabura sa kasaysayang Asyano ang pananakop ng mga
Europeo sa Asya
b. upang mapatunayang superyor ang kabihasnang Asyano kumpara
sa mga Europeo
c. upang mapagtanto ng mga Europeo na mayayaman at matatalino
ang mga Asyano
d. upang mapahalagahan ang papel ng mga Asyano sa pag-unlad ng
ating kabihasnan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.