Panuto: Ngayong ikaw ay nasa baitang 7 na, suriin ang bawat pangungusap kung
ang mga ito ay nararanasan o nangyayari na sa iyo sa ngayon. Isulat sa bawat bilang
ang salita na NAGAGANAP kung ito ay nararanasan mo na o nangyayari na sa iyo
at DI-NAGAGANAP kung hindi mo ito nararanasan o hindi nangyayari sa iyo. Gawin
ito sa iyong sagutang-papel.
1. Mas nais mo ang tahimik na paligid o walang kasamang maliit na kapatid
na nag-iingay.
2. Lagi kang tumitingin sa harap ng salamin upang tiyakin na ayos ang
iyong kasuotan.
3. Ayaw mong magpaiwan sa iyong nanay kapag nasa paaralan ka.
4. Nararamdaman mo na parang pinaghihigpitan ka ng iyong magulang kapag
sinasaway ka sa iyong gawain.
5. Iniiwasan mo na ang maglaro sa harap ng bahay o sa kalsada.
6. Mas nais mo pa rin ang mga larong pambata.
7. Nagkakaroon ka na ng mga kaibigan sa paaralan o sa inyong barangay.
8. May napapansin ka ng pagbabago sa iyong katawan.
Answers & Comments
sana makatulong
(pero advice lang po dapat po own opinion nyo po ito)☺