Questions


October 2022 2 1 Report
PANUTO: Basahin at unawain ang mga pangungusap na nasa ibaba. Piliin ang pinakatamang sagot na hinihingi sa bawat bilang.

1. Dahil sa mataas na pagtingin ng China sa kaniyang kultura at naniniwala sila na makakasira ito kung maiimpluwensyahan ng mga dayuhan, sa loob ng mahabang panahon ay ipinatupad nila ang kaniyang paghihiwalay sa daigidig.

a. Isolationism b. Karma c. Reincarnation d. Shimonoseki

2. Naimpluwensiyahan ng mga Kanluranin ang ekonomiya, politika, lipunan at pamumuhay ng mga bansang Asyano. Ang mga sumusunod ay naging epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo maliban sa:

a. Pinamahalaan at kinontrol ng mga Kanluranin ang ekonomiya ng mga Asyano

b. Ginamit ng mga Kanluranin ang mga likas na yaman ng mga nasakop na bansa upang makagawa ng mas marami

c. Kinontrol ng mga Kanluranin ang kalakalan at pinagtanim ang mga Asyano ng mga produktong kailangan nila.

d. Mataas na pangangailangan sa mga hilaw na materyales

3. Binigyang diin ng karapatang ito ang mga Kanluraning bansa na magpatayo ng iba’t ibang imprastraktura gaya ng kalsada, tren at mga gusali upang paunlarin ang kanilang sphere of influence.

a. Isolationism b. Extraterritoriality c. Open Door Policy d. Closed Door Policy

4. Nagsimula ang pagkawala ng control ng China sa kanyang bansa nang matalo sa Great Britain sa Unang at Ikalawang Digmaang Opyo. Bunga nito, nilagdaan ang kasunduan na naglalaman ng mga probisyong hindi patas para sa mga Tsino. Ito ang Kasunduang Tientsin at _____________.

a. Kasunduang Shimoneseki b. Kasunduang Nanking c. Kasunduang Paris d. Kasunduang Zaragosa

5. Pinamunuan ni Hung Hsiu Ch’uan ang Rebelyong Taiping laban sa Dinastiyang Qing na pinamumunuang ng dayuhang Manchu. Layunin ng rebelyong ito na mapabagsak ang Dinastiyang Qing upang mahinto na ang pamumuno ng mga dayuhan sa kanilang bansa at magkaroon ng pagbabago sa lipunan. Alin sa mga sumusunod ang naging bunga ng rebelyong isinagawa?

a. Nagapi ng Dinastiyang Qing (Manchu) ang Rebelyong Taiping sa tulong ng British at French

b. Nagtagumpay ang mga mamamayang mabawi ang kanilang Kalayaan sa pamumuno ng Dinastiyang Qing

c. Sumuko ang rebelyon laban sa mga Manchu at ito ay kanilang inalipin

d. Nanalo ang hukbong Taiping at nagtayo sila ng bagong pamamahala sa kanilang imperyo

6. Sumiklab ang Rebelyong Boxer noong 1899. Ang mga miyembro nito ay may kasanayan sa gymnastic exercises. Alin sa mga sumusunod ang naging pangunahing layunin nang isinagawang rebelyon?

a. Magsagawa ng maraming pagpatay sa mga kapwa nila Tsino

b. Sundin ang lahat ng kagustuhan ng Emperador

c. Patalsikin ang lahat ng dayuhan sa bansa kabilang dito ang kanluranin

d. Sakupin ang buong imperyo ng Tsina

7. Naging ganap ang pamumuno ng Sun Yat Sen sa China ng pamunuang niya ang mga Tsino sa pagpapatalsik sa Manchu sa tanyag na Double 10 Revolution. Itinatag ang bagong Republika ng China at pansamatalang itinalaga bilang pangulo si Sun Yat Sen. Tinawag siyang ________________.

a. Ama ng Komunistang Tsino b. Ama ng Demokratikong Tsina c. Ama ng Republikang Tsino d. Ama ng Kalayaan

8. Tinularan ng mga Hapones ang paraan ng pamumuhay ng mga Kanluranin na nakatulong sa kaniyang pag-unlad. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod maliban sa:

a. Sentralisadong pamahalaan, ginawang modelo ang konstitusyon ng Germany

b. Kahusayan at pagsasanay ng mga sundalong British

c. Sistema ng edukasyon ng United States

d. Pakikipagkalakalan at sistemang pang-ekonomiya ng Pransya

9. Mahalaga para sa British ang Burma o Myanmar noong panahon ng Imperyalismo at Kolonyalismong kanluranin sa Timog-Silangang Asya. Alin sa mga sumusunod ang dahilan nito?

a. Magagamit niya upang mapigilan ang mga magtatangkang sumakop sa silangang bahagi ng India na noon ay kabilang sa mga sakop niyang lupain.

b. May maayos na ugnayan ang England at Burma. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, sumiklab ang mga labanan sa pagitan ng mga British at Burmese.

c. Nakaapekto sa kalagayan ng kapayapaan sa Malaysia ang panghihikayat ng mga British noon sa mga Tsino na manirahan sa Malaysia

d. Ang kapakinabangan ng rubber tree para sa mga British

10. Ang populasyon ng Malaysia ay binubuo ng mga katutubong Malay, malaking bahagdan ng mga Tsino, Tamil, Pilipino, at mga Nepalese. Ang tawag sa lugar o rehiyon kung saan nagtatagpo ang iba’t ibang mga kultura at pangkat-etniko.

a. Melting Pot b. Lion Capital City c. Land of all Nations d. Land of Rising Sun

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.