Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Panuto: Punan ng wastong panandang Pandiskurso ang mga sumusunod na pangungusap upang mabuo ang idea.
1. Nag-iisa akong tagapagmana, kaya`t sa isip ko, kayang-kaya kong magliwaliw at maglibang. Kahit araw-araw. Bilhin ang anomang magustuhan. _______ dumating ang puntong natauhan ako, ano ba talaga ang saysay ng buhay ko?
2. __________ ni Ronie na huwag nang mauulit ang pagkasira ng tubig dagat dahil sa pagtagas ng langis sa malalaking bapor.
3. __________ iwasan natin ang paggamit ng mga bagay na nakakapisala sa mundo.
4. Mas maraming oras ang inilaan ni Rey sa paglalaro ng mobile games, _______ hindi niya malaman kung paano niya maipapasa ang mahabang pagsusulit ngayong linggo.
5. ________ patuloy na sisirain at dudungisan ang mundo, darating sa puntong napakahirap nang ibalik ito sa dating kaanyuan.
6. ________, maging seryoso tayo sa pamamahala sa basura.
7. ________ niya mula pa noon ang tumulong sa pagpaparami ng mga hayop na nanganganib nang maubos.
8. Kami ay ________ na masikhay na ipatupad ang mga polisiya sa pangangalaga sa kapaligiran.
9. Naghanda ba kayo sa pagsusulit natin? Kailangan nating galingan dahil ito na ang huling markahan. _________, mag-iisang lingo nang liban si Robert ah. Ano na kaya ang nangyari sa kanya?
10. ______ nagpanukala ang pamahalaan ng mga batas sa pangangalaga sa kalikasan.
Pagpipilian:
a. Noon pa
b. maiba ako
c. umaasam
d. hangad
e. Kung
f. kaya
g. hanggat maaari
h. Nais
i. Sa pangkalahatan
k. pero
Answers & Comments
Answer:
1. K. Pero 6. I. Sa pangkalahatan
2. H. Nais 7. D. Hangad
3. G. Hanggat maaari 8. C. Umaasam
4. F. Kaya 9. B. Maiba ako
5. E. Kung 10. A. Noon pa
HOPE IT HELPS!
DON'T FORGET TO MARK ME AS A BRAINLIEST IF YOU WANT. <33