Questions


September 2022 1 3 Report
1.
“Ang
anak ay nakaupo na, ang ina ay gumagapang pa.” Ang salitang may
salungguhit ay katangian ng bugtong na nagpapakilala ng


a. karikatn b. sukat c.
talinhaga d.
tugma





2.
“Ang sariwa’y tatlo na, ang maitim ay maputi na, ang bakod ay lagas na.”
Ang pinakamalapit na sagot ay kawayang-tulay. Aling
karunungang-bayan ito maaaring ituring.


a. bugtong b. bulong c. palaisipan d.
maaaring lahat ng nabanggit





3. Ang bugtong ay tulang pahulaang may sukat. Tukuyin ang sukat ng bugtong
sa ibaba


Kung babayaan mong ako ay mabuhay

Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;

Ngunit kapag hihipan paminsan-minsan,

Ay lalong lalawig ang ingat kong buhay.


a 4 b. 6 c. 8 d. 12




4. Sagutin
ang palaisipan. “Kung sa isda, ito ay dagat,
kung sa ibon, ito’y pugad, lungga naman kung ahas, kung sa tao, ano ang
tawag?”


a.
bahay b. igloo c. palasyo d. tahanan





5. “Tabi,
tabi po Apo, alisin niyo po ang sakit ng pamilya ko.” Ang
karunungang-bayang ito ay isinasagawa tuwing


a. binyagan b. kasalan c. paglalakbay d. may patay





6. Tubig na nagiging bato, bato
na nagiging tubig. Ang pinakaangkop na sagot sa bugtong ay
_____


a. asin b.
buko c. niyog d. yelo





7. Dumami ang mga nagbibilang ng poste mula ng
lumaganap ang Covid 19. Ang pariralang may salungguhit sa pangungusap ay
matalinhagang pahayag na nangangahulugang walang hanapbuhay. Anong uri
ito ng karunungang-bayan.?


a. kasabihan b. palaisipan c. salawikain d.
sawikain





8. Hindi tayo dapat
maging duwag sa mga hirap na dinadanas dulot ng pandemya. Anong
sawikain ang angkop sa salitang may salungguhit.


a. bahag ang buntot b. basag ang pula c. bukas ang palad d. mabigat ang kamay





9. Piliin ang
pinakaangkop na paliwanag: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


a. Hindi sapat ang panalangin lang dapat kumikilos o isinasabuhay rin
ang pananampalataya.


b. Laging may awa ang Diyos at Siya lang ang nakakaalam ng kapalaran ng
tao.


c. Mabait ang Diyos lalo na kung sasamahan ng sipag at tiyaga.


d. Mahabagin ang Diyos sa lahat ng humihingi ng Kanyang awa.





10. Ang mga sumusunod
ay katangian ng karunungang-bayan, alin ang hindi kabilang dito?


a. Daan upang
maipahayag at maipabatid ang mga ideya at kaisipan na nabibilang sa bawat
kultura at tradisyon ng mga tao.


b. Isang bahagi ng
panitikan na nagpapakita ng pagiging isang tunay na Pilipino na marunong
magmahal sa sariling kultura.


c. Nakakatulong
sa pag-angkin ng kamalayang tradisyunal na nagpapatibay ng pagpapahalagang
kultural.


d. Sumasalamin sa
kultura ang nagpapakilala ng pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.