Basahin ang bawat pangungusap at isulat ang titik ng tamang sagot sa papel.
1. Ang tatay ni Berto ay isang magsasaka. Alin sa mga sumusunod ang
posibleng mga produkto niya sa pagsasaka?
A. hinabing tela, damit at iba pang kasuotan
B. palay, mais, tubo, prutas at mga gulay
C. isda, perlas at kabibe
D. pilak, tanso at ginto
2. Ito ay sasakyang pandigma ng mga sinaunang Pilipino, sila ay naglalakbay at
nanakop sa mga lugar.
A. balangay B. barko C. karakoa D. roro
3. Ang mga sumusunod na bansa ay nakipag-ugnayan sa mga sinaunang
Pilipino, MALIBAN sa isa.
A. Amerikano B. Arabo C. Indian D. Tsino

Aralin
5
Pang-ekonomikong
Pamumuhay ng mga
Sinaunang Pilipino
2
4. Anong paraan ng kalakalan ang ginagamit noong unang panahon?
A. barter system C. pagtitinda sa barangay
B. pagtitinda sa bangka D. pagdayo sa sentro ng kalakalan
5. Lalong napapakinabangan ng mga sinaunang Pilipino ang mga bagay sa
kanilang paligid nang makabuo sila ng mga industriya. Ang mga sumusunod
ay mga industriya ng pagpapalayok MALIBAN sa isa.
A. balanga B. banga C. katsa D. dulang
6. Ang mga lupaing di-gaanong mataba at mahirap sakahin ay itinuturing
na pag-aaring__________.
A. pambarangay B. pambayan C. pampribado D. pampubliko
7. Ito ang hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino sa lugar kung saan may
mahalagang metal na makukuha.
A. paghahabi B. pagmimina C. pagtotroso D. paninisid
8. Maraming bansa ang nakikipag-ugnayan sa mga sinaunang Pilipino, anong
bansa ang may malaking kontibusyon sa mga kasangkapang gawa sa
tapete, seramika at tanso?
A. Arab B. China C. India D. Indonesia

9. Ang mga kababayan nating OFW ay kilala at nangungunang mga
manggagawa na hinahangad ng ibang lahi. Aling mga katangian ng mga
Pilipino ang nagpapakita ng magandang ugnayan hanggang sa
kasalukuyan?
A. masunurin at mabait C. matalino at matapang
B. masayahin at magaling D. tapat at mapagkakatiwalaan
10. Bakit nakipag-ugnayan ang mga sinaunang Pilipino sa mga karatig bansa?
A. nais nilang makipagkaibigan
B. gusto nilang makilala sa iba’t – ibang bansa
C. nakikipagkalakalan sila ng kanilang mga produkto
D. nakikipagdigmaan at nagpapalawak sa kanilang teritoryo

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.