1. Isinagawa ang sistemang ito upang madaling mapangasiwaan ang mga Pilipino at
mapalaganap ang Kristiyanismo.
A. eleksyon B. importasyon C. reduccion D.relokasyon
2. Hawak nila ang kapangyarihang pampolitika, pang-ekonomiya, at panrelihiyon, na dati ay
nasa kamay ng mga Pilipino.
A.inquilino B. maharlika C.penisulares D. principaIia
3. Ipinagbawal ng mga Espanyol ang paggamit ng __________sa pagsulat.
A. alpabeto B.balarila C.baybayin D.wikang Espanyol
4. Sino ang namuno sa mga pamparokyang paaralan?
A. ama B. ina C. madre D. prayle
IKALIMANG ARAW
➢ Ipinatupad ang reduccion sa panahon ng pananakop.
➢ Binago ng mga Kastila ang estilo ng arkitektura sa Pilipinas.
➢ Sa lipunang Kolonyal, ang mga Espanyol ang may pinakamataas na katayuan;
Hawak nila ang kapangyarihang pampolitika, pang-ekonomiya, at panrelihiyon.
Sekondarya na lamang ang mga Pilipino.
➢ Bumaba rin ang katayuan ng mga kababaihan.
➢ Maraming aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino ay kinitaan ng bahid ng
kulturang Espanyol.
➢ Ang estrukturang tulad ng simbahan, gusaling pampamahalaan, at bahay na bato
ay ipinatayo batay sa estilong Antillean.
➢ Pinahalagahan din ang edukasyon sa panahong ito. Mga pari ang nangasiwa sa
sistema ng edukasyon. Itinayo ang mga paaralang pamparokya, kolehiyo ng mga
kalalakihan, kolehiyo ng mga kababaihan, at paaralang bokasyonal.
Panuto: (10 puntos)
Gamit ang papel at krayola, iguhit ang inyong bahay o anumang estruktura na makikita
sa inyong lugar at sagutin ang mga tanong:
1. Anu-anong materyales ang ginamit sa pagpatayo nito?
2. Nakitaan pa ba ito sa impluwensiya ng mga Espanyol?
16
5. Saan ibinatay ang kautusang papalitan ang mga apelyidong Pilipino sa Espanyol?
A. Claveria Decree 1849 C.Magellan’s Decree 1898
B. De Veyra Decree 1846 D. RA 7610
6. Isa sa mga asignaturang itinuro sa mga paaralang pambokasyonal
A. aritmetika B.pagbasa C.pag-iimprenta D. relihiyon
7. Ang ilang galaw sa cariñosa, sayaw Santa Isabel, at iba pang sayaw ng pag-ibig at
pananampalataya sa mga santo ay hango sa_______________.
A. mazurka B.rigodon C.tinikling D. waltz
8. Isa sa mga gawaing panrelihiyon na namana natin sa mga Espanyol na ipinagdiriwang
sa buwan ng Disyembre.
A. Araw ng mga Santo C. Bagong Taon
B. Araw ng Pagkabuhay D. Pasko
9. Bakit hindi tinuruan ang mga Pilipino sa wikang Espanyol?
A. Marunong na ang mga katutubo.
B. Upang manatiling mangmang ang mga ito
C. Mas gusto ng mga Pilipino ang wikang Latin.
D. Mga lahing Espanyol lamang ang dapat matututo sa wika.
10. Paano natin maiangat ang ating kasalukuyang antas ng pamumuhay?
A. mamalimos sa kalsada
B. magtatrabaho na walang pahinga
C. makontento na lang kung anong buhay mayroon ngayon
D.magsumikap mag-aral, magtatrabaho, at pagbubutihin ang lahat ng mga gawain

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.