1. Alin ang katangian ng malusog na relasyon?
A. walang tiwala sa isa’t isa C. palaging nag-aaway
B. walang pagkakaunawaan D. may pagkakaintindihan
2. Ito ay ang paninirang puri at emosyon gamit ang internet at ibang makabagong
teknolohiya.
A. cyber bullying B. harassment C. mood swings D. social anxiety
3. Ang mga sumusunod ay mga taong maaari mong lapitan sa oras ng pangangailang
mental, emosyonal at sosyal maliban sa isa?
A. guidance counselor C. magulang
B. guro D. taong may kakulangan sa pag-iisip
4. Ang mga sumusunod ay ang mga epekto ng alalahaning mental, emosyonal at sosyal
maliban sa isa?
A. depresyon C. kawalan ng interes sap ag-aaral
B. kawalan ng tiwala sa sarili D. nananatiling positibo ang pananaw sa buhay
5. Sino sa mga magkapatid ang may malusog na relasyon?
A. Si Dina at Nilo ay palaging nag-aaway sa harap ng hapagkainan.
B. Si Oscar at Olive ay hindi nagpapansinan at hindi nag-uusap.
C. Si Rita at Alex ay nagtutulungan sa paggawa ng kanilang takdang aralin.
D. Si Norman at Bert ay nagsusuntukan sa tuwing sila ay may hindi
pagkakaunawaan.
Tayahin
Pagyamanin
15
6. Alin sa sumusunod ang epekto ng pagkakaroon ng malusog na relasyon?
A. kawalan ng tiwala sa sarili
B. nagdudulot ng kalungkutan
C. nagpapahirap sa buhay ng tao
D. Maiiwasan ang sakit sa pag-iisip at iba pang karamdaman sa katawan
na dulot ng stress.
7. Sino sa mga batang ito ang nagpapakita ng tamang pakikitungo sa kapwa tao?
A.Si Ferry at ang kanyang kaibigan ay may di pagkakaunawaan kung kaya’t
nagkakalat siya ng masamang kwento tungkol sa kanyang kaibigan.
B. Ang mga magulang ni Willy ay abala sa trabaho kaya naman gumagawa siya ng
gulo sa paaralan para mapansin ng mga ito.
C. Inilihim ni Carmen sa kanyang mga magulang ang panunukso sa kanya sa
paaralan.
D. Nakikinig sa payo ng mga magulang si Danica.
8.-10. Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon?
8. May kapatid kang nagtatago sa tuwing may darating na bisita. Ayaw din niyang
makipag-usap. Gusto niyang palagi mapag-isa.Paano mo siya tutulungan?
A. Pagtawanan siya sa kanyang inaasal.
B. Pabayaan lamang siya sa kanyang ipinapakitang pag-uugali.
C. Pagalitan siya at pagsabihan na dapat siyang makipagsalamuha sa mga bisita.
D. Kausapin ng mahinahon ang kapatid at ipapangako na sasamahan ito hanggang
sa umalis ang mga bisita.
9. Palagi kang inaabangan ng kapitbahay mong si Ronnie sa iyong pag-uwi at hinihingan
ka ng pera. Nagbanta itong bugbugin ka kapag hindi mo ibibigay ang kanyang hinihingi.
A. Makikipagsuntukan ako kay Ronnie.
B. Lalaitin at pagsasalitaan ng masama si Ronnie.
C. Ibibigay ko sa kanya ang lahat ng aking pera para hindi na niya ako guguluhin.
D. Tatakbo at iiwasan si Ronnie. Ipapaalam ko sa aking mga magulang ang
nangyari.
10. May kaibigan kang may suliranin sa kanilang tahanan. Sinasabi ng kaibigan mo na
gusto na niyang umalis sa kanilang tahanan dahil madalas na nag-aaway ang kanyang
mga magulang. Anong payo ang ibibigay mo sa kanya?
A. Gumamit ng bawal na gamot upang malimutan ang problema.
B. Imbitahan siyang tumira muna sa aming bahay.
C. Papayuhan siya na ipagpatuloy ang kanyang plano kung iyon ang sa tingin
niyang nararapat gawin.
D. Kakausapin ko siya at sasabihin na dapat ay isipin muna niyang mabuti kung
ano ang kahihinatnan ng kanyang gagawin.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.