Questions


October 2022 1 1 Report
1. Ang Asya ay nahati sa limang rehiyon, anong rehiyon ng Asya ang kilala bilang Central o Inner Asia?
A. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Silangang Asya
D. Timog Asya

2. Ang Timog-Silangang Asya ay nahati sa dalawang sub-regions, ang mainland at insular Southeast Asia. Alin sa mga sumusunod na bansa ang “Hindi” kabilang sa mainland southeast Asia?
A. Cambodia
B. Laos
C. Pilipinas
D. Thailand

3. Ang Timog-Silangang Asya ay kinilala bilang Farther India at Little China dahil?
A. malapit ito sa China at India
B. madaling puntahan ng mga Indiano at Tsino
C. Malaki ang impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito
D. isa sa mga unang nakipagkalakalan sa rehiyong ito ang mga Indiano at Tsino

4. Bakit itinuturing na heograpikal at kultural na mga sona ang rehiyon ng Asya?
A. ang rehiyon ng Asya ay may heograpiyang kultural
B. ang bawat rehiyon ay nagtataglay ng iba’t ibang kultura
C. isinaalang alang ang aspekto ng kultura at heograpiya sa paghahati nito
D. isinaalang alang sa paghahati ang aspekto ng pisikal, historical at kultural

5.Ang salitang heograpiya ay hango sa wikang Greek na “geographia”. Ang geo ay nangangahulugang lupa samantalang ang graphien ay sumulat. Ano ang pakahulugan nito?
A. sumulat sa lupa
B. lupa na may sulat.
C. sumulat ukol sa lupa.
D. sumulat ukol sa titulo ng lupa

6. Ito ang bansang pinakamalaki sa Timog Asya sa usapin ng sukat ng teritoryo at populasyon.
A. Afghanistan
B. India
C. Pakistan
D. Sri Lanka

7. Kilala ang rehiyong ito bilang Farther India at Little China.
A. Timog Asya
B. Timog Silangang Asya
C. Kanlurang Asya
D. Silangang Asya

8. Binubuo ang Hilagang Asya ng mga bansa ng ________________.
A. Soviet East Asia
B. Soviet West Asia
C. Soviet Central Asia
D. Soviet South Asia

9. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ________________.
A. Timog Asya
B. Timog Silangang Asya
C. Kanlurang Asya
D. Silangang Asya

10. Sa rehiyong ito matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at Europe.
A. Timog Asya
B. Timog Silangang Asya
C. Kanlurang Asya
D. Silangang Asya

11. Salitang Arabic na “mausim” na nangangahulugang “season” o “seasonal wind”.
A. Amihan
B. Monsoon
C. Klima
D. Habagat

12. Ito ay tumutukoy sa karaniwang panahong nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon.
A. Klima
B. Lokasyon
C. Topograpiya
D. Vegetation cover

13. Ito ang hanging nakakaapekto sa mga bansa sa Indian subcontinent.
A. Northeast Monsoon
B. South Asian monsoon
C. East Asian monsoon
D. Southwest monsoon

14. Isang katangiang pisikal ng kapaligiran sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Tinatayang ang sangkapat (1/4) na kalupaan sa mundo ay ganito ang uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may damuhang matataas at malalalim ang ugat?
A. Tundra
B. Steppe
C. Prairie
D. Savanna

15. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik nakakaapekto sa klima?
A. Dami ng tao
B. Topograpiya
C. Lokasyon
D. Dami ng halaman

16. Ang ibig sabihin ay kagubatan.Ito ay matatagpuan sa Hilagang Asya partikular sa Siberia.Coniferous ang mga kagubatang ito bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa anyong yelo o ulan.
A. Tropical Rainforest
B. Mountain lands
C. Kung Disyerto
D. Kung Taiga o Boreal Forest

17. Ito ay kalupaan sa paanan ng bundok.
A. Tropical Rainforest
B. Mountain lands
C. Kung Disyerto
D. Kung Taiga o Boreal Forest

18. Ito ay mayabong na kagubatan na matatagpuan sa mga bansa na malapit sa ekwador.Ito ay karaniwang binubuo ng malaking puno na may makapal na dahoon.
A. Tropical Rainforest
B. Mountain lands
C. Kung Disyerto
D. Tundra o Treeless Mountain Track

19. Ito ay nanggaling sa salitang Ruso na ibig sabihin ay kapatagang latian.ito ay binubuo ng mababang halaman na may maliliit na dahoon na nababalutan ng yelo sa halos buong taon at mangilanngilang palumpon ng damo at lumot. Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno sa lupaing ito dahil sa malamig na klima.
A. Tropical Rainforest
B. Mountain lands
C. Kung Disyerto
D. Tundra o Treeless Mountain Track

20. Tuyo, tigang at mabuhanging lupa na halos walang pananim maliban lamang sa “cactus”.Oasis ang tanging lugar na kakitaan ng tubig.
A. Tropical Rainforest
B. Mountain lands
C. Kung Disyerto
D. Tundra o Treeless Mountain Track

Hi po pasagot po ng tama kasi kailangan na kailangan ko na po sya
Nonsense answer: Report
please pasagot po
thank you​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.