Questions


October 2022 1 0 Report
1. Sagana sa yamang mineral ang Kanlurang Asya. Pinakamalaking tagapagluwas sa daigdig ang Saudi Arabia ng;
A. Ginto at langis
B. Langis at petrolyo
C. Petrolyo at natural gas
D. Tanso at natural gas

2. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang sa Timog Asya, kung kaya ang pinakamahalagang produkto nila ay:
A. Barley
B. Gulay
C. Jute
D. Palay

3. Ang tanso ay itinuturing na pangunahing yamang mineral sa Pilipinas. Ano ang dahilan nito?
A. Bagong tuklas ang mineral na ito sa Pilipinas
B. May reserba at potensyal na mamimili nito
C. Marami tayong mapagkukunan ng tanso sa Pilipinas
D. May mga mineral sa Pilipinas na nauubos na maliban sa tanso

4. Ano ang epekto ng mga yamang likas sa pagkakaiba ng yaman ng bawat rehiyon sa Asya?
A. Ang mga Asyano ay maaaring makaranas ng pagkaubos sa likas na yaman.
B. Babagal ang pag-unlad ng pamumuhay ng mga Asyano.
C. Matuto ang mga Asyano na linangin ng tama ang yamang likas na taglay nito.
D. Maaring makaranas ng alitan sa pagitan ng mga Asyano.

5. Bakit itinuring na pangunahing pananim at nangunguna sa produksyon sa buong Asya ang palay?
A. Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Asyano
B. Sagana sa matatabang lupa at malalawak na bukirin.
C. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil tulad ng trigo, mais at barley.
D. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay.

6. Ang mga yamang-likas ay binubuo ng mga _____________.
A. yamang lupa at tubig
B. Yamang mineral at kagubatan
C. yamang kagubatan, lupa, mineral at tubig
D. yamang kagubatan at mga produktong agrikultura

7. Ang palay ang pangunahing butil pananim sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya. Bakit ito ito itinuturing na napakahalagang butil pananim?
A. Pamalit ito sa mga butil ng mais, barley, at grigo
B. Maraming panluwas na produkto ang galing sa palay.
C. Pangunahing pagkain ito ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.
D. Maraming matatabang lupa ang angkop sa pagatatanim nito.

8. Ito ang tawag sa malawak na tuyo o tigang na lupa.
A. oasis
B. disyerto
C. prairie
D. kapatagan

9. Lugar sa disyerto na may tubig at halaman.
A. oasis
B. disyerto
C. prairie
D. kapatagan

10. Ang tanso ang itinuturing na pangunahing mineral ng Pilipinas. Ano ang dahilan nito?
A. Bagong tuklas ang mineral na ito sa Pilipinas.
B. May reserba at may potensiyal na mamimili nito.
C. Marami tayong mapagkukunan ng tanso sa Pilipinas.
D. May mga mineral sa Pilipinas na nauubos na maliban sa tanso.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.