Questions


October 2022 1 1 Report
1. Bahagi ng pamumuhay ng mga Asyano kung saan nakakaapekto sa suplay ng pagkain.
A. Agrikultura
B. Ekonomiya
C. Kultura
D.Panahanan

2. Bahagi ng pamumuhay ng mga Asyano na naapektuhan ng likas na yaman batay sa mga produktong maaaring ipagbili o bilin.
A. Agrikultura
B. Ekonomiya
C. Kultura
D. Panahanan

3. Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa katangian ng likas na yaman nito. Anong aspeto ng pamumuhay ng mga Asyano ito kaugnay?
A. Agrikultura
B. Ekonomiya
C. Kultura
D. Panahanan

4. Pagbabago sa gamit sa lupa na nagdudulot naman ng pagkasira ng tirahan ng mga hayop.
A. Landa grabbing
B. Land titling
C. Land conversion
D. Land changes

5. Sa pagpapalaki ng produksyon, ang ilang magsasaka ay gumagamit ng _____________.
A. Tradisyunal na pagbubungkal
B. Tradisyunal na pagtatanim
C. Makabagong Makinarya
D. Makabagong daanan

6. Alin sa sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa Asya?
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
C. Walang-habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
D. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon

7. Ang hindi wastong pagtatapon ng solid waste o basura ay isang malaking suliraning pangkapaligiran sa Bangalore, India. Ang kawalan ng pasilidad at epektibong pamamahala upang itapon ito sa maayos na pamamaraan ang mga dahilan nito. Alin sa sumusunod ang malaking epekto sa kapaligiran ng Bangalore, India ng walang habas na pagtatapon ng basura kung saan-saan?
A. Nahaharangan ang mga daluyan ng tubig sa mga estero at ilog
B. Nanunuot sa lupa ang ilang mga maasido at organikong materyal
C. Nakokontamina o narurumihan ang hangin, tubig at maging ang lupa
D. Nahahalo ang nakakalasong katas nito sa tubig na iniinom at sa tubig na dumadaloy sa irigasyon

8. Ano ang pinakaangkop na konseptong maaaring mabuo tungkol sa kahalagahan ng ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang kapaligiran?
A. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng suliraning pangkapaligiran at ekolohikal.
B. Sa loob ng tahanan nagsisimula ang edukasyon at wastong pagpapalaganap sa paggamit ng likas na yaman
C. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ay tiyak na makaaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig
D. Sa kapaligiran nakasalalay ang kinabukasan ng tao sa susunod na henerasyon

9. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t ibang suliranin gaya ng pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakakaapekto sa pag-unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang kabataan ay naanyayahan na dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa suliranin. Ano ang iyong imumungkahi upang malutas ang suliranin?
A. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
B. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran.
C. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak.
D. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng kapaligiran at tao sa pag-unlad ng isang bansa

10. Ikaw ay isang Ambassador of Goodwill na naatasang hikayatin at impluwensiyahan ang kabataang Asyano na magpalaganap ng mga programa na susuporta sa ikabubuti ng kapaligiran at kapakanan ng mga Asyano sa pamamagitan ng paggawa ng isang multi-media advocacy. Alin sa sumusunod na pamantayan ang dapat mong isaalang-alang?
A. organisasyon, bilang ng pahina, pagkamalikhain
B. kaangkupan ng salita, kawastuhan ng datos, pagkamalikhain
C. nilalaman, pagkamalikhain, impact , organisasyon, kapakinabangan
D. kawastuhan ng mga datos, madaling maunawaan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.