tukuyin mo kung saang rehiyon napapaloob ang sumusunod na bansa. Isulat ang HA para sa Hilagang Asya, SA sa silangang Asya,TSA sa Timog Silangang Asya,KA sa Kanlurang Asya at TA para sa Timog Asya.Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
1.Kazakhstan
2.India
3.Saudi Arabia
4.Vietnam
5.China
6.Maldives
7.Japan
8.Thailand
9.Lebanon
10.Tajikistan
Answers & Comments
Verified answer
1. Kazakhstan- HA- Hilagang Asya
2. India- TA- Timog Asya
3. Saudi Arabia -KA- Kanlurang Asya
4. Vietnam- TSA- Timog-Silangang Asya
5. China- SA- Silangang Asya
6. Maldives- TA-Timog Asya
7. Japan- SA- Silangang Asya
8. Thailand- TSA- Timog Silangang Asya
9. Lebanon- KA- Kanlurang Asya
10. Tajikistan- HA- Hilagang Asya
Ang Asya ay isa sa pitong kontinente sa buong mundo. Ito ay nahahati sa limang (5) rehiyon at binubuo ng Hilagang Asya, Silangang Asya, Timog Asya, Timog Silangang Asya at Kanlurang Asya.
Ano ang mga katangi-tangi sa bawat rehiyon?
Ang Hilagang Asya o tinatawag ding Sentral Kontinental ang pinakamalaking rehiyon sa buong Asya at kabilang dito ang mga bansang Kazakhstan at Tajikistan. Maliit lamang ang populasyon ng buong rehiyon ngunit ayon sa kasaysayan malaki ang naging gampanin nito sa pagdadala ng mga kalakal mula bansang Tsino patungong Europa.
Sa Silangang Asya naman matatagpuan ang China at Japan. Tinatawag din ang rehiyong ito na Hilagang-silangang Asya dahil sa lokasyong heyograpikal nito. Pinaniniwalaan sa kasalukuyan na matatagpuan sa rehiyong ito ang mga makabagong teknolohiya sa buong mundo na nakakatulong sa pag-angat sa usaping pang-ekonomiya ng mga bansang bahagi nito.
Itinututing naman na ang pinakamalaking bahagi ng populasyon sa buong mundo ay nasa Timog Asya. Kasama sa mga bansang nasa rehiyong ito ang India at Maldives.
Itinuturing na mga developing countries ang ilang mga bansa sa Timog-Silangang Asya at kasama rito ang mga bansang Thailand at Vietnam. Kung titignan sa usaping heyograpikal, pulu-pulo at maraming mga isla ang mga bansa rito.
Ang Kanlurang Asya ay tinatawag ding 'middle east' at dito naman matatagpuan ang mga bansang Saudi Arabia at Lebanon. Sa usaping heyograpikal halos sinasakop ng disyerto ang malaking bahagi ng rehiyon.
Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa hilagang asya maaaring i-click ang
brainly.ph/question/10516
Para sa maikling pagpapaliwanag tungkol sa kontinenteng Asya brainly.ph/question/17631754
Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa bawat rehiyon maaaring basahin ang brainly.ph/question/17989472
#BRAINLYFAST