Ang Pilipinas ay isang bansa na matatagpuan sa timog silangang bahagi ng Asya. Ito ay binubuo ng mga isla at makikita sa kanlurang bahagi ng karagatang Pacific. Ang tiyak na lokasyon nito ay 13° sa hilaga at 122° sa silangan. Ito ay binubuo ng mahigit kumulang 7,100 na isla.
Lokasyon
Ang lokasyon ay isang salita na madalas ginagamit sa pag aaral ng Heograpiya ng mundo. Ito ay tumutukoy sa isang lugar sa ibabaw ng mundo.
Tiyak na lokasyon
Ang tiyak na lokasyon ay tumutukoy sa tiyak o eksaktong lokasyon sa ibabaw ng mundo. Ito ay malalaman sa pamamagitan ng pagtukoy sa dalawang bagay:
Latitude
Longitude
Latitude
Ang latitude ay ginagamit sa Heograpiya upang matukoy ang tiyak na lokasyon. Ito ay nalalaman sa pamamagitan ng paggawa ng mga imahinasyong guhit mula sa hilaga na bahagi ng mundo patungo sa timog na bahagi ng mundo. Ito ay tumutukoy sa anggulo na nagmumula sa 0° mula sa equator hanggang 90° sa hilaga at timog na poles ng mundo
Longitude
Ang longitude ay tumutukoy sa imahinasyong guhit na nagmumula mula sa silangang bahagi ng mundo. hanggang sa kanlurang bahagi ng mundo. Ang isa sa mga longitude ay dumadaan sa Prime Meridian na makikita sa Greenwich. Ito ay may sukat na 0° latitude
Halimbawa ng tiyak na lokasyon:
Ang Japan ay makikita sa 36.2048° Hilaga, 138.2529° Silangan
Ang China ay makikita sa 35.8617° Hilaga, 104.1954° Silangan
Relatibong Lokasyon
Relatibong lokasyon ang tawag sa pagtukoy sa isang lokasyon gamit ang pagkilala at paggamit sa mga karatig o katabing lupain o katubigan. May dalawang uri ang relatibong lokasyon:
Relatibong Lokasyong Kontinental o Lokasyong Bisinal
Relatibong Lokasyong Maritima o Lokasyong Insular
Halimbawa ng relatibong lokasyon:
Ang Syria ay napalilibutan ng Turkey sa hilaha, Lebanon sa kanluran, Israel sa timog kanluran, Iraq sa silangan at Jordan sa Timog
Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa:
Answers & Comments
Answer:
Lokasyon ng Pilipinas

Bansang Pilipinas
Explanation:
*Tiyak na lokasyon ng Pilipinas
- 4 23(degree) at 21:25(degree) - hilagang Latitud
- 116(degree) at 127(degree) - silangang Longhitud
Explanation: