TAYAIN NATIN (Dito ka masusubok!)
Panuto : Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Anong batas ang nakatulong upang masugpo ang suliranin ng komunismo sa
bansa?
A. Republic Act. 1700
B. Republic Act 1701
C. Republic Act 1705
D. Republic Act. 1708
2. Anong sektor ang higit na apektado dulot ng hindi pantay na hatian sa lupa?
A. Minero
B. Magtotroso
C. Magsasaka
D. Nagpapastol
3. Bakit kailangang suportahan ng pamahalaan ang suliranin ng mga maliliit na
sektor katulad ng mga magsasaka?
I. Upang yumaman ang mga may-ari ng lupa.
II. Kung walang magsasaka ay wala din tayong kakainin.
III. Malaki ang kontribusyon nila sa pagpapataaas ng kita ng bansa.
IV. Makapag benta tayo ng mas maraming produkto sa ibang bansa.
A. I, II at III
B. III, IV at I
C. I, III at IV
D. II, III at IV
4. Bakit dapat pagtuonan ng pansin ng pamahalaan ang isyu ng kolaborasyon sa
bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang pandaigdig ?
I. Mawawala ang pagkakaisa sa mga Pilipino.
II. Magiging mitsa ng hindi pagkaka intindihan
III. Mawawala ang suporta ng mga Hapon sa Pilipinas.
IV. Maaaring makapag hikayat pa ito ng mga magtataksil sa bansa.
A. I, II at III
B. II, I at IV
C. I, III at IV
D. III, IV at I
5. Bakit kailangang unahin ng pamahalaan ang mga mamumuhunang Pilipino kaysa
sa mga dayuhan?
I. Upang maipakilala natin ang ating mga produkto.
II. Upang mabawasan ang pagsandal ng Pilipinas sa ibang bansa.
III. Dahil kailangan natin ng tulong ng mga dayuhan upang makaahon tayo.
IV. Dahil pagkakataon na ito ng mga Pilipino upang paunlarin ang kanilang
kabuhayan.
A. I, II at IV
B. III, II at I
C. II, III at IV
D. I, III at IV
Answers & Comments
Answer:
1.d
2.c
Explanation:
help with me and my second day