Questions


August 2022 1 1 Report
B. Panuto : Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang letra ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Produktibo ang isang tao kung marunong siyang mag-isip ng paraan kung papaano magiging kapaki-pakinabang ang bawat bagay na makikita sa kanyang kapaligiran. Alin sa mga sumusunod ang kanyang katangiang tinataglay?

A. galante B. malikhain

2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng gawaing makatutulong sa pag-unlad ng bansa?

A. Si Cardo na ginagamit ang mga patapong bagay tulad ng bote ng mineral water bilang taniman ng halaman.

B. Si Onyok na nagsusunog ng mga basura sa loob ng gulong ng sasakyan.

3. Si Angela ay isang mag-aaral sa Ika-anim na baitang. Ang mga batang katulad niya ay hindi pa maaaring lumabas ng bahay dahil sa umiiral na community quarantine dahil sa pandemya ng Covid 19. Kaya naman naisipan niyang tumulong sa kanyang nanay na maglinis ng bahay. Habang siya ay naglilinis ng garahe, nakita niya ang tambak ng mga bote na pinaglagyan ng mantika. Ano kaya ang maaari niyang gawin sa mga ito?

A. Isama sa mga basurang itatapon.

B. Ipagbili sa dumadaang magbobote upang makatulong sa gastusin ng pamilya.

4. Isa sa mga surliraning kinakaharap ng bansa ngayong modular ang paraan ng pag-aaral ng karamihang mag-aaral ay ang patuloy na pagkaubos ng mga puno dahil sa ginagawa itong papel para sa pag-imprenta ng mga modyuls. Bilang isang mag-aaral sa ika-anim na baitang paano ka makatutulong upang masolusyunan ang suliraning ito?

A. Magpapabili ako ng cellphone sa nanay ko upang digitized na lang ang paraan ng pagsagot ko sa modyuls nang sa gayon ay mabawasan ang iimprentang modyuls.

B. Tutulong ako sa proyekto ng aming paaralan na naglalayong makalikom ng mga gadyet na ipahihiram sa mga mag-aaral na walang kakayahang bumili nito sa pamamagitan ng pagpopost sa social media upang maraming makabasa at makapagbigay ng tulong. Sa ganitong paraan marami na ang magkakapag-digitize ng modyuls..

5. Sino sa sumusunod ang nakatutulong upang maiwasan ang paglaganap ng Covid- 19?

A. Ang pamilya Soriano na namamasyal na sa Tagaytay kahit may banta pa ng Covid-19.

B. Ang pamilya De Leon na gumagawa ng face masks at face shield upang ipamigay sa mga tao.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.