Questions


September 2022 1 1 Report
Tama o Mali

1. Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Mycenean.

2. Upang mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao, sa Athens ay nagpagawa ang mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay Draco isang tagapagbatas.

3. Ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na discrimination.

4. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga helot.

5. Ipinagpatuloy ni Xerxes, ang nagmana ng trono ni Cyrus the Great, ang hangaring palawakin ang imperyo nito sa kanluran.

6. Habang umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging dahilan kung bakit sa panahon ng Peloponnesian League ay naging isang imperyo ang Athens.

7. Ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta, Corinth at iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta at tinawag itong Peloponnesian League.

8. Ayon kay Socrates mahalaga na kilalanin mo ang iyong sarili (know thyself) at dapat patuloy na magtanong ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay upang matiyak kung sila ay may mga kasagutan sa mga katanungang ito. Ang pamamaraang ito ay kinikilala ngayon na Socratic Method.

9. Si Plato, ang pinakasikat na mag-aaral ni Socrates, ang nagsumikap na maitala ang lahat ng dayalogo sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan. Ang pinakatanyag ay ang Republic, isang talakayan tungkol sa katangitanging polis at ang uri ng pamahalaan makapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito.

10. Si Aristotle, ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng halaman, hayop, astronomiya, at pisika na pawang nangangailangan ng masusing pagmamasid. Ayon sa kaniya, ang alinmang teorya ay maaari lamang tanggapin kung ito ay batay sa masusing pagmamasid ng mga katotohanan. Kinilala si Aristotle na Ama ng Medisina.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.