Questions


August 2022 1 0 Report
II. Panuto: Tukuyin kung Ang uri Ng diyalogo sa sitwasyon ay 'I-thou o I-It.

1. Kailangan ni Niel na maibenta ang kanyang lumang bahay dahil nais niyang makabili ng bago. Nagtungo siya sa kaniyang kumpare upang kumbinsihin itong bilhin ang kanyang lumang bahay. Nakumbinsi naman niya ito dahil sila'y nagkasundo sa halaga nito.

2. May problema si Jose sa kanyang pamilya. Kailangan niya ng mapaghihingahan ng kaniyang sama ng loob. Pumunta siya sa kanilang gurong tagapayo. Mahusay na tagapakinig ang kanilang gurong tagapayo. Alam ni Jose na bibigyan siya nito ng panahon at hindi siya nito huhusgahan.

3. Maganda ang samahan nina John at kaniyang ama. Pinakikinggan nito ang kaniyang mga opinion sa tuwing sila'y nakakausap. Bagama't hindi siya nito laging pinagbibigyan sa kaniyang mga gustong gawin, alam ni John na ito'y para sa kaniyang ikabubuti.

4. Malapit na ang semestral break. Niyaya si Josie ng kaniyang kaibigan na magbakasyon sa isang kilalang resort. Nag-isip si Josie ng paraan upang makumbinsi ang kaniyang mga magulang na siya'y payagan. Sa kanilang pag-uusap ay hindi rin niya ito napapayag. Masamang-masama ang loob ni Josie sa mga ito.

5. Madalas magkagalit ang magkagalit na Aya at Mits. Hindi nila pinakikinggan ang sinasabi ng bawat isa. Kapwa ayaw magpatalo sa argumento ang dalawa.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.