Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Tunghayan at suriin mo ang Pambansang Awit na nasa ibaba. Maghanda para sa talakayan sa mga susunod na aralin.
Lupang Hinirang
ni Julian Felipe
Bayang magiliw,
Perlas ng silanganan,
Alab ng puso,
Sa dibdib mo’y buhay.
Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula,
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning;
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma’y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na ‘pag may mang-aapi,
Ang mamatay nang dahil sa iyo
1.Ano/Sino ang tinutukoy na Perlas ng Silanganan sa pambansang awit?
2. Ano ang nilalaman ng ikalawang saknong?
3. Ano ang ipinamamalas ng huling linya ng awit?
Answers & Comments
Answer:
1.Pilipinas
2.Ating kapaligiran at ang ating tagumpay at ning ning.
3.Sa tingin ko po ito ay isang katapangan.
“Ibig sabihin kapag ikaw ay nilupig, nilusob, handa mong ipaglaban ang iyong kalayaan, ang iyong lupa hanggang kamatayan. Iyon ang kahulugan ng: “Ang mamatay ng dahil sa’yo,'”
Explanation:
Sana makatulong
correct it if it's wrong