Tatlong taon na ang nakararaan, nagdadalamhati akong lumisan sa Amerika upang ilibing ang aking kabiyak, si Ninoy Aquino. Akala ko’y umalis ako doon upang ilibing din nang ganap ang kaniyang di-makaling pangarap na kalayaan ng Pilipinas. Ngayon, nagbabalik ako bilang pangulo ng malayang sambayanan.
Sa paglilibing kay Ninoy, dinarakila siya ng buong bansa. Sa magiting at mapagpaubayang pakikibakang magbigay ng karangalan, ang buong bansa ay nakabangon nang mag-isa. Ang bansang nawalan ng pananalig sa kinabukasan ay natagpuan yaon sa marahas at lantarang pagpaslang. Kaya sa pagbibigay ay nakatatanggap tayo; sa pagkawala ay nakatatagpo tayo; at mula sa pagkabigo ay nahablot natin ang tagumpay.
Para sa bansa, si Ninoy ang kaaya-ayang sakripisyo na tumugon sa mga panalangin nito hinggil sa kalayaan. Para sa akin at sa aking mga anak, si Ninoy ang mapagmahal na esposo at ama. Ang kaniyang pagkawala, nang tatlong ulit sa aming buhay, ay palaging malalim at makirot.
Answers & Comments
Answer:

#CarryOnLearning
#KeepSafw