Sa pagdiriwang natin ng ika-91 anibersaryo ng ating kalayaan ay muling sinariwa ng Pangulo ang ating nakaraang pakikibaka sa EDSA upang muling maibalik ang ating demokrasya na matagal ding nawala dahil sa isang diktador. Ang pakiusap niya sa lahat ng Pilipinong nagmamahal sa kalayaan ay huwag sayangin ang ating ginugol upang maibalik ang demokrasya. Mag-sikap tayo at magkaisa patungo sa kaunlaran at kasaganaan.
Ngayong araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang siyam-napu’t-isang anibersaryo ng ating kalayaan. Siyamnapu’t isang taon na ang nakalipas ngunit noong nakaraang tatlong taon lamang tayo napansin at pinagmasdang mabuti ng buong mundo. Sa pamamagitan ng telebisyon, nalaman ng lahat, na dito sa dako ng mundo, ay may isang lahi na marunong ipaglaban ang kalayaan sa pamamaraang mapayapa. Ang nagawa natin noong Pebrero 1986 ay hinangaan ng buong mundo at ibig tularan ng ibang mga bansa. Nakita ng mga dayuhan sa kanilang mga telebisyon ang “People Power” sa EDSA. Nakita nila ang mapayapang pag-aalsa ng mamamayang Pilipino. Nakita nila ang mga madre at pare na nagdarasal ng rosario. Nakita nila ang katakut-takot na tao, mga matanda at bata, mga babae at lalake, na sama-samang ipinaglalaban ang demokrasya. At pagkatapos ng apat na araw, nagulat sila nang makita nila ang pagtatagumpay ng “People Power”. Napaalis ang diktador at ang inyong abang lingkod, na dinaya sa halalan ay naging pangulo sa pamamagitan ng “People Power”.
Answers & Comments
Answer:

#CarryOnLearning