Questions


October 2022 1 6 Report
SI BALONG

ni Jo-cel F. Alvarado

Inikot ni Balong ang kanilang barangay upang ibenta ang kaniyang gulay. Nadaanan
niya ang isang matanda na kakikitaan ng pagkasalat sa pera at pagkain. Ang gintong
puso ni Balong ay hindi natiis na tulungan ang matanda. Binigyan niya ito ng bahagi
ng kanyang gulay. Hanggang sa matapos ang kanyang maghapon, naubos rin ang
kaniyang panindang gulay. Tuwang – tuwang umuwi si Balong. Ramdam niya ang
sarap sa pakiramdam ng makatulong sa kapuwa.

Sa kanyang pag-uwi, naisip niya na hindi pinababayaan ng gobyerno ang mga
tao. Ginagawa nito ang lahat masiguro lamang ang maayos na kalagayan ng mga
mamamayan nito. Bilang mamamayan, hindi lamang gobyerno ang may kakayahang
ipakita ang iba’t ibang gawaing pansibiko lalong – lalo na sa panahon ng kalamidad.
Maaari rin tayong makatulong sa ating kapuwa at kalikasan sa pamamagitan ng mga
simpleng pamamaraan.
1. Ano ang trabaho ni Balong?

a. Karpintero c. Magasasaka

b. Guro d. Mangingisda

2. Anong sakit ang tinukoy sa kuwento na naging dahilan ng

lockdown?

a. COVID-19 c. Cholera

b. Dengue d. Malarya

3. Ano ang pamagat ng kuwento?

a. Si Balong c. Si Kuya Nol

b. Si Juanita d. Si Willy

4. Ano ang nakita ni Balong sa harap ng kanyang bahay

matapos marinig ang katok?

a. Sako ng Bigas c. Tinapay

b. Asukal at kape d. Sardinas at tuyo
5. Ano ang ibinigay ng pamahalaang pambarangay sa mga tao?

a. Binhi o butong pananim

b. Ayuda

c. Lumang damit

d. Gamot at malinis na tubig

6. Tama ba ng ginawa ni Balong na gumawa ng paraan upang may makain?

a. Oo, dahil hindi lamang niya iniasa sa pamahalaan ang kanyang ikabubuhay.

b. Oo, upang may maipamigay siya sa iba.

c. Hindi, dahil bibigyan naman tayo ng gobyerno.

d. Hindi, dahil maiinggit ang ibang tao.

7. Sa panahon nng pandemya at lockdown, ano ang ginawang paraan ni Balong upang
kumite?

a. Nagtinda siya ng gulay

b. Umutang siya sa mga Indiyano

c. Nagtinda siya ng lumang damit

d. Tumaya siya sa sabong
8. Kung ikaw si Balong, tutularan mo ba ang ginawa niya?

a. Oo, dahil marangal ang kanyang ginawa.

b. Oo, dahil gusto ko magkaroon ng maraming pera.

c. Hindi, uutang na lang ako sa ibang tao.

d. Hindi, maghihintay na lamang ako ng ayuda sa gobyerno.

9. Sino ang tumulong kay Balong noong naglockdown?

a. gobyerno b. kapitbahay

c. dayuhan d. mga kaibigan

10. Sa panahon ng pandemya, kailangan natin _______________.

a. masipag at matiyaga

b. maging tamad

c. umasa sa iba

d. gumala sa labas

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.