Questions


October 2022 1 7 Report
GAWAIN 6

PANUTO: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. May nakita kang mga batang naglalaro sa harap ng bahay ninyo. Ipinagbabawal ng
gobyerno na lumabas ang mga bata dahil sa COVID-19 pandemic. Ano ang dapat mong
gawin?

a. Sumali sa kanila.

b. Hayaan lang silang maglaro sa kalye.

c. Sawayin sila at pagsabihan ang mga ito.

d. Sigawan ang mga batang naglalaro.

2. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong-tulong ang mga tao sa inyong pamayanan
upang maglinis. Ano ang gagawin mo?

a. Manood sa mga taong naglilinis.

b. Manatili sa kuwarto at magpahinga.

c. Ibalita sa iba ang nangyari sa inyong komunidad

d. Sumali sa paglilinis at gawin ang makakaya.

3. Nakita mong tatawid si Lola Tinay sa kalye. Maraming nagdadaang sasakyan. Ano ang
gagawin mo?

a. Alalayan ang matanda.

b. Sabihan siya na mag-ingat sa pagtawid.

c. Pabayaan siya at huwag pansinin.

d. Maghanap ng pulis na magtatawid sa matanda.
4. Magpapakain para sa mga batang lansangan ang organisasyong pangkabataan sa inyong
lugar. Ano ang maaari mong itulong?

a. Tumulong sa paghahanda at pagpapakain sa mga bata.

b. Magboluntaryo sa susunod na pagpapakain.

c. Panoorin ang kanilang ginagawa.

d. Makikain sa inihanda nilang pagkain.

5. Tila nakalimutan ni Lolo Tino ang daan pauwi. Paikot-ikot siya sa magkakapitbahayan.
Ano ang gagawin mo?

a. Hayaan lang si Lolo Tino na maalala ang daan pauwi.

b. Tanungin si Lolo Tino at tulungan siyang makauwi.

c. Magkunwaring hindi nakita si Lolo Tino.

d. Ipahatid sa iba para hindi ka maistorbo.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.