Questions


October 2022 1 7 Report
GAWAIN 7

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga
tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Si G. Vicente ay isang doctor. Araw – araw siyang gumagamot ng mga taong may
sakit na COVID-19? Nagpapakita ba ng kahalagahan ng gawaing pansibiko si G.
Vicente? Bakit?

A. Hindi, dahil marami naman ang kayang gumawa ng kanyang trabaho.

B. Oo, dahil nagsisilbi siya sa komunidad nang hindi alintana ang peligro dulot ng
pandemya.

C. Hindi, dahil gumagaling naman ang COVID-19.

D. Oo, dahil may suweldo tayo kapag nagtatrabaho.

2. Si Annabel ay isang guro. Nagboluntaryo siyang magturo sa malayong lugar bagamat
walang dagdag sa kanyang suweldo. Anong kahalagahan ng gawaing pansibiko ang
ipinakita ni Annabel?

A. Pang- ekonomiya

B. Pangkalusugan

C. Pang-edukasyon

D. Pampulitika
3. Ang mga mamamayan ay namumuhay nang ___________ dahil sa mga iba’t - ibang
gawaing pansibiko.

A. marahas at may paghihirap

B. matiwasay at payapa

C. marangya at mapaghangad

D. magulo at naghihirap

4. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng gawaing pansibiko maliban sa isa. Alin ito?

A. Tinitiyak ang kabutihan ng mga mamamayan

B. Nakatutulong sa mga taong masasabing mahihirap

C. Nakapagpapasikat sa taong bayan

D. Nakapagpapaunlad ng kabuhayan ng mamamayan

5. Mahalaga para sa _____________ ang gawaing pansibiko.

A. Mamamayang may matataas na pinag-aralan lamang

B. Mga taong kapus sa kabuhayan lamang

C. Para sa lahat ng tao

D. Mga taong may kapansanan lamang
6. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng halimbawa ng pagpapahalaga sa mga
gawaing pansibiko?

A. Si Loiue na hindi maayos na ginastos ang pera mula sa 4P’s ng DSWD.

B. Si Wilson na hindi pinansin ang mga butong pananim na ibinigay ng
Department of Agriculture

C. Si Joey ay nililinisan ang mga gawang kanal ng gobyerno.

D. Si Joseph ay palaging itinatapon ang basura sa tamang tapunan.

7. Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Hanapin ang kahalagahang dulot ng
gawaing pansibiko.

A. Bumabagal ang pag-unlad ng kabuhayan ng mga mamamayan.

B. Naihahatid ng gobyerno ang serbisyo at tulong sa lahat ng tao.

C. Dumarami ang krimen na naitatala sa buong bansa.

D. Nagkakasakit ang mga tao.
8. Hinihimok ng mga guro ang mga ayaw mag-aral na magpalista sa paaralan.
Anong kahalagahan ng gawaing pansibiko ang ipinakikita dito?

A. Para sa Kalusugan C. Para sa Kabuhayan

B. Para sa Edukasyon D. Para sa Kalikasan

9. Nagpahatid ng tulong medical gaya ng gamut, face mask, at face shield ang ating
gobyerno? Anong kahalagahang pansibiko ang ipinakikita dito.

A. Para sa Kalusugan C. Para sa Kabuhayan

B. Para sa Edukasyon D. Para sa Kalikasan

10. Pinatutupad ngayon sa bayan ng Subic ang “No Segration, No Collection
Policy” ng mga basura. Anong kahalagahan ng gawaing pansibiko ang ipinakikita
dito?

A. Para sa Kalusugan C. Para sa Kabuhayan

B. Para sa Edukasyon D. Para sa Kalikasan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.