Questions


September 2022 1 0 Report
PANUTO: Tukuyin kung anong anyo o pamamaraan ng neokolonyalismo ang ipinakikita ng mga sumusunod na pahayag. Piliin ang sagot mula sa kahon. A. Globalisasyon sa Edukasyon D. Neokolonyalismong Kultural B. Neokolonyalismong Politikal E. Suportang Pangmilitar C. Neokolonyalismong Pang-ekonomiya ___ 1. Pagpapalitan ng mga iskolar (exchange student) ng mga bansa. ___ 2. Nagagawang maimpluwensyahan ng makapangyarihang bansa ang usapin tungkol sa mga kalagayang panloob, pagbabatas, pamamaraang politikal halimbawa na lamang ay ang eleksyon. ___ 3. Nagagawang tumulong ng mga Kanluraning bansa sa kanilang mga dating kolonya kung ito ay nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa. ___ 4. Patuloy na paggamit ng United States ng base military sa Dharan kapalit ng tulong teknikal at pagpapahintulot ng pagbili ng mga armas sa ilalim ng Mutual Defense Assistance Act. ___ 5. Patakaran ng makapangyarihang bansa na palaganapin sa mahihinang mga bansa ukol sa pamumuhay tulad ng paraan ng pananamit, sayaw, awit, estilo ng buhok, pagkain, libangan, at pati na ang pagdiriwang. ___ 6. Mga patakaran din ang IMF at WB na nagdidikta sa mga bansang papaunlad pa lamang na liitan ang badyet na ilalaan ng pamahalaan sa edukasyon at kalusugan. ___ 7. Ibinatay sa sistemang British ang edukasyon sa India at wikang Ingles ang ginamit sa pagtuturo upang ang mga Indian ay maging mahusay na manggagawa at kawani ng kanilang pamahalaang kolonyal. ___ 8. Nababalewala ang mga kurikulum na dapat sundin sa edukasyon ng mahihirap na bansa dahil sa patuloy na pagsunod sa sistema ng edukasyon sa Kanluran. ___ 9. Pinakikialaman din ng International Monetary Fund ang pera ng mga bansa sa Ikatlong Daigdig upang pambayad sa mga utang panlabas na nagiging dahilan ng kabawasan sa pagpapaunlad sana ng kanilnag agrikultura. ___ 10. Nananatili naman sa bansang India ang paggamit ng wikang Ingles at patuloy na paglalarong cricket at badminton.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.