Panuto: Ibigay ang kontribusyon ng mga pinuno sa Balangiga sa pag-aalsa laban sa mnga Amerikano. Pinuno ng Balangiga Kontribusyon 1 Vicente Lukban 2. Pedro Abayan 3. Eugenio Daza 4. Donato Gimbal Libut 5. Valeriano Abanador
Vicente Lukban- Kinomisyon siyáng opisyal sa hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo, at naging katuwang nitó sa paggawa ng mga planong pandigma. Pagkalagda ng Kasunduang Biyak-na-Bato, isináma siyá ni Aguinaldo sa Hong Kong. Doon ay nag-aral siyá ng agham militar sa ilalim ng isang pinunòng Ingles. Pagkapahayag ng kalayaan ng Filipinas noong 1898, ipinadalá siyá sa Bicol upang pamunuan ang laban sa mga Español. Pagkatapos ay itinalaga siyáng pinunòng politiko-militar ng Leyte at Samar. Noong 31 Disyembre 1899, ipinahayag niya ang sarili bilang bagong gobernador ng Samar sa ilalim ng Unang Republika ng Filipinas. Nakipaglaban sina Lukban sa hukbong Americano ngunit kinailangang umatras. Nang inalok ni Heneral Arthur MacArthur ng amnestiya kapalit ng pagsuko, tumanggi si Lukban. Sumuko noong 1901 si Baldomero Aguinaldo, ang pinunò ng puwersang Filipino sa timog Luzon, ngunit ipinagpatuloy ni Lukban ang laban, at ang Samar ang naiwang isa sa mga natitirang palabang lalawigan. Noong Nobyembre 1901, nadakip si Lukban at kaniyang mga opisyal nang nilusob ng mga Americano ang kanilang kampo. Nang sumapit ang panahon ng kapayapaan, pinalaya siyá at noong 1912 ay nahalal bilang gobernador ng Tayabas.
Pedro Abayan- Ang paglusob sa Balangiga ay pakana ni Pedro Abayan, presidente municipal o mayor ng Balangiga, sa tulong ng mga tauhan ni Vicente Lukban, pinuno ng mga naghimagsik sa Samar. Inanyayahan ni Abaya ang mga Amerkano, kunyari upang ipagtanggol ang kabayanan sa pandarambong ng mga Muslim at mga tulisan.
Eugenio Daza- Lumahok siya sa puwersa ng mga Filipinong lumaban para sa kalayaan ng bansa sa gulang na 26. Bílang isa sa mga lider ng hukbo sa Samar, nanguna siya sa pagtálo sa mga puwersang Americano. Kinikilála siya bílang “Utak ng Paslangang Balangiga,” na nang-yari noong 28 Setyembre 1901. Ang Masaker sa Balangiga ang isa sa mga pinakamadugong yugto sa kasaysayan ng Digmaang Filipino-Americano, at namatay sa pang-yayaring ang maraming sundalong Americano. Isinulat ni E.Daza noong 1935 ang kaniyang talâ ng masaker sa isang sinumpaang pahayag na pinamagatang Balangiga su Historia en la Revolucion el 28 de Septiembre la 1901.
Donato Gimbal Libut- Isang paring katoliko ng Borongan at vicar general ng Roman Catholic Diocese ng Calbayog. Kilala siya bilang pari ng Balangiga at namagitan sa mga kontrobersya sa Balangigas Massacre.
Valeriano Abanador- Hepe ng pulisya na pinangunahan ang pag-atake noong Setyembre 28, 1901 kasama ang 500 na magigiting na Filipino na armado ng mga gulok laban sa puwersa ng mga mananakop na Amerikano na nakatalaga sa Balangiga, Samar. Ang ilan sa mga umatake, nagbihis babae pa umano para hindi mahalata ng mga Amerikano. Naging hudyat din ng naturang pag-atake ang pagtunog ng kampana ng simbahan.
Dagdag na kaalaman tungkol sa mga kontribusyon ng mga nabanggit na pangalan sa Balangiga massacre: brainly.ph/question/20134010
#BRAINLYFAST
3 votes Thanks 6
lanzydnareg
Yung andami mong sinulat tas Wala den lang papansin
Answers & Comments