Ang Batang may kapansanan Mula sa kaniyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Maria. Malambot iyon at nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki ipinasuri siya ng kaniyang mga magulang sa mahuhusay na doktor. Ang sabi ng doktor ay hindi na siya gagaling. Habambuhay na raw magiging lumpo si Maria. Labis na nalungkot at naawa sa kaniya ang magulang. Sa kabila ng lahat, nagpatuloy sa kaniyang pangarap si Maria. Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng kaniyang ina na madasalin. Mayroon siyang malaking pananalig sa Diyos kaya naman nagawa niyang tanggapin ang kalagayan. Habang nagdadalaga ay nahilig si Maria sa musika. Nakatutugtog siya ng maraming uri ng instrumento. Marami ang humahanga sa taglay niyang galing sa pagtugtog. Upang lalo pa siyang maging mahusay, pinag-aral siya ng kaniyang ina sa pagtugtog ng piyano. Natuklasan ni Maria na kulang man siya ng paa, sobra naman siya sa talino sa musika. Maraming mga guro sa musika ang humanga sa kaniya. Lahat ay gusto siyang maging estudyante. Sa paglipas ng panahon, ibang-iba na si Maria. Ano sa palagay mo ang nangyari kay Maria? Sariling akda: Rodelyn T.Alejandro Mga Tanong: 1. Sino ang pangunahing tauhan sa teksto? Ilarawan siya. 2. Ano ang katangian ni Maria na para sa iyo ay kahanga-hanga? Bakit? 3. Ano ang kinahiligang gawin ni Maria? Ano ang natuklasan niya tungkol dito? 4. Bakit maraming humahanga sa kaniya? 5. Dugtungan ang sumusunod, bigyan ng sariling wakas ang kuwentong napakinggan: Sa paglipas ng panahon, ibang-iba na si Maria. Siya ay. ano po answer​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.