Questions


September 2022 1 1 Report
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sa paglipas ng panahon nagkaroon pagbabago at pag-unlad ang mga tao. Sa anong panahon, natuto ang mga tao na magtanim at mag-alaga ng hayop na kung saan ay tinawag ding Rebolusyong Neolithic?

A. Mesolitiko

B. Neolitiko

C. Paleolitiko

D. Metal

2. Bunga ng kakayahan at paniniwala sa Diyos ay nakapagpatayo ng malalaking istruktura ang mga Sumerian. Ano ang tawag sa templo at pinakamalaking gusali sa Sumer?

A. Borobodur

B. Ziggurat

C. Great Wall of China

D. Taj Mahal

3. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuturing na

pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig?

A. Unang sibilisadong lipunang nakapag ambag ng maraming kontribusyon

B. Nagkaroon ito ng pamayanan at imperyo

C. Nagkaroon ito ng matatag na sistemang pulitikal

D. Ang pamayanang nangibabaw ay nabuo sa Fertile Crescent.

4. Ang mga sumusunod ay naging dahilan o salik sa pagbuo ng kabihasnan maliban sa

A Sentralisadong pamahalaan

B. Sistema ng pagsulat

C. Masalimuot na relihiyon

D. Pagtatanim at pag-aalaga ng hayop

5. Ang mga sinaunang tao ay may espesyalisasyong pang-ekonomiya na nagbigay daan sa pag-usbong ng mga uring panlipunan. Saang pangkat kabilang ang mga bihasa sa gawain at palitan ng produkto?

A. mangangalakal at artisano B. mataas na opisyal at pamilya

C. scribe o tagasulat

D. magsasaka at alipin

6. Ang mga Sumerian ay isa sa mga nakapag-ambag sa kabihasnan. Sa mga naiambag nila, ano ang pinakamahalaga na nakatulong sa ating mga Pilipino lalo na sa edukasyon?

A. clay tablet

B. Sisternang cuneiform

C. Matematika

D. kariton na de gulongAng pilosopiya ay salitang Griyego na ang ibig sabihin ay pagmamahal sa karunungan. Anong pilosopiya sa Tsina ang nakabatay sa turo na nakasaad sa Four Books at Five Classics?

A Legalismo

B. Cunfucianism

C. Taoism

D. Manuism

8. Ang buhay at kamatayan ay magkasama na kung saan ito ay isang realidad. Matutong sumunod sa Tao na ang ibig sabihin ay daan. Ang turong ito ay kay

A. Lao Tzu

B. Confucius

C. Hammurabi

D. Buddha

9. Mula sa isang payak na pamumuhay sa mga ilog at lambak, unti-unting nabago ang mga

pamayanan at dito sumibol ang kabihasnan. Ano ang kahulugan ng kabihasnan?

A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao. B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya

C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran.

10. Ang kabihasnan ay nagmula sa salitang ugat na bihasa na may kahulugang sanay o eksperto. Ito ay tumutukoy sa sinaunang yugto ng pamumuhay ng mga sinaunang tao. Alin sa mga sumusunod ang ebidensiya na maaari mong masabing isang Great Discovery sa isang sinaunang kabihasnan?

A. Damit ng sinaunang tao

B. Labi o buto ng alagang hayop

C. Sulat sa dingding ng isang yungib D. Mga pagkain ng sinaunang tao

11. Sa paglipas ng panahon, nangangailangan ng ebidensya o artifacts upang malaman ang mga pangyayari at kagamitan ng nakaraan. Ano ang magiging epekto ng pagsira ng mga tao sa mga labi o artifacts ng mga sinaunang kabihasnan?

A. Pagkasira sa missing part na maaaring idisplay sa museum

B. Pagkasira ng mga ebidensiya na maaaring magbigay ng teorya tungkol sa sinaunang kabihasnan C. Pagkakaroon o climate change sa pagsunog ng mga labi ng mga sinaunang kabihasnan

D. Pagkagising ng mga ispiritung naninirahan sa mga sagradong bato ng mga sinaunang kabihasnan.

12. Ang mga eksperto ay nangalap ng mga ebidensiya upang matukoy ang mga kaganapan at impormasyon sa mga sinaunang sibilisasyon. Ano ang maaaring mangyari kung ang mga tao ay hindi magbibigay halaga sa mga artifacts o fossil na madidiskubre?

A. Mauubos ang mga likas yaman ng ating bansa

B. Mahihirapang tuklasin ang mga kaganapan sa sinaunang kabihasnan C. Mahihirapang tuklasin ang mga natatagong kayamanan ng ating bansa.

D. Mauubos ang mga artifacts na makukuha​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.