1. Ipinangaral ni Buddha ang apat na pangunahing ideyang kanyang napag-alaman na tinawag na Four Noble Truths. Alin sa mga sumusunod ang hindi naayon sa Four Noble Truths?

A. Bagaman mayaman si Norman hindi siya naging masaya dahil hindi siya marunong magbahagi sa iba.

B. Natapos ang pighati ni Tricia nang matuto siyang makontento sa mga biyayang ibinigay sa kanya

C. Si Lino ay 60 anyos na at kailanman ay hindi siya nakaramdam ng lungkot at pighati

D. Kahit mahirap ang buhay ni Mena ay patuloy niyang kinakaya ang hamon ng buhay.

2. Isa ang Shahada sa Five Pillars ng Islam. Ang bawat Muslim ay kailangang magpahiwatig na "Walang ibang Diyos kundi si Allah, si Muhammed ang Propeta ng Diyos Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ng pananalig ng mga Muslim?

A. Pananalig kay Allah

C. Taunang pagtungo sa Mecca

B. Pag-aayuno sa panahon ng Ramadan

D. Pananalangin sa Mosque

3. Monotheism ang tawag sa paniniwala na mayroon lamang iisang Diyos. Anu anong relihiyon ang may ganitong paniniwala?

A. Islam, Hinduismo, Buddhismo C. Kristiyanismo, Judaismo, Islam

B. Sikhismo, Kristiyanismo, Hinduismo

D. Hinduismo, Sikhismo, Buddhismo

4. Maraming seremonya ang simbahang Katoliko. Alin sa mga sumusunod ang walang direktang may kaugnayan sa seremonya ng simbahan.

A. Prusisyon sa araw ng kapistahan ng patron

C.Pakikibahagi sa cultural night sa gabi ng kapistahan

B. Pagkukumunyon sa oras ng pagsimba

D.Pangungumpisal sa pari

5. Ang kabihasnang Asyano ay hindi maisasalaysay nang makatotohanan kung hindi isasaalang-alang ang mga relihiyong kanilang kinagisnan. Bakit mahalaga ang relihiyon sa mga Asyano?

A. Dito kumukuha ng lakas ang mga Asyano sa panahon ng mga pagsubok

B. Nagiging motibasyon ng mga Asyano sa bawat pangarap at mithiin sa buhay

C. Naiimpluwensiyahan ng kanilang relihiyon ang bawat aspeto ng buhay ng mga Asyano

D. Nagsisilbing konsyensiya sa bawat gawain.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.