Panuto: Basahin ang bawat pangungusap, isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad at MALI kung di wasto ang pahayag ng bawat pangungusap.

1. Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang ugnayan ang Silangang Asya sa mga bansang Kanluranin dahil sa sinaunang rutang pangkalakalan.

2. Hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng unang yugto ng imperyalismong kanluranin dahil Ash na rin sa matatag na pamahalaan ng mga bansa dito.

3. Isa ang bansang Portugal sa mga kanluraning bansa na naghangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang Asya partikular sa China.

4. Ang mataas na paghahangad na makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa at pagkuha ng ginto ang siyang nagtulak sa kanila na sakupin ang Timog-Silangang Asya.

5. Pinakinabangan ng husto ng mga kanluranin ang ating mga likas na yaman at hilaw na sangkap.

6. Nasakop ng mga Espanyo ang Pilipinas sa loob ng 333 taon

7. Nagpatupad ang mga Espanyol ng mga patakarang pangkabuhayan, pampolitika at pangkultura na nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.

8. Maraming Pilipino ang yumaman dahil sa hindi makatarungang pagpapataw ng buwis, pagkamkam sa mga ari-arian at mga produktong Pilipino.

9. Ang pananakop at paniniil sa mga bansa sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya ay naglunsad ng pag-usbong ng diwang makabansa bilang tugon sa pang-aabuso at pagyurak sa karapatan ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya na ang tanging mithiin ay magkaroon ng kalayaan.

10. Sa kasalukuyang panahon, hindi pa rin pare-pareho ang kalagayan ng kababaihan sa Asya

pahelp​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.