Ang Mga Susing Salita ang unang pambansang palihan sa wika na nakatuon sa pagbuo ng kaalaman gamit ang mga konseptong nakapaloob sa isang susing salita na hango sa anumang wika sa Pilipinas. Pangunahing layunin ng palihan na paunlarin ang inisyal na mga ideyang nakapaloob sa piniling salita at alamin ang potensyal na ambag nito sa larangan ng pag-aaral at pananaliksik tungo sa produksyon ng kaalaman.
Inaasahang maging lunsaran din ang nabuong kaalaman na hango sa napiling susing salita sa artikulasyon ng mga pambansa at akademikong usapin tulad ng panunuring pampanitikan, identidad, migrasyon, modernismo, urbanisasyon, pagpaplanong komunidad, wika at kultura, agham panlipunan, araling midya at kulturang popular, agham at teknolohiya at iba pang mga paksa at tema na umuusbong sa iba’t ibang larangan.
Sa tulong ng mga guro, iskolar, mananaliksik, at eksperto sa iba’t ibang akademikong disiplina, inaasahang magkakaroon ng interdisplinaryong pagsipat sa napiling susing salita upang matukoy ang lawak at lalim ng diskursong maaaring mabuo nito.
Magkakaroon ng panawagan sa paglahok at pipili ng sampung kalahok na magkakaroon ng pagkakataong ibahagi ang inisyal na mga konseptong nakapaloob sa piniling susing salita at kung sa paanong paraan nila ito gagamitin upang makabuo ng kaalaman. Matapos ang palihan, bibigyan ng sapat na panahon ang mga kalahok na muling magsulat upang maging isang ganap na papel ang kanilang inilatag na inisyal na mga ideya. Titipunin ng SWF-UPD ang nabuong papel ng mga kalahok at ihahanda para sa publikasyon.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
https://sentrofilipino.upd.edu.ph/newsletter/mga-susing-salita/