Panahon ng Lumang Bato:
Tinatayang nabuhay ang mga Taong Tabon. Nanirahan sila sa mga yungib at gumamit ng mga tinapyas na bato na magagaspang bilang kasangkapan. Pinagkikiskisan nila ang mga ito upang makapagpaapoy. Nabuhay sila sa pangangaso at pangangalap ng
pagkain

Panahon Ng Bagong taon:
Nilisan ng mga sinaunang tao ang mga yungib at nagsimulang paunlarin ang kanilang
pamumuhay ayon sa pangangailangan at hamon ng kapaligiran. Natutuhan din nilang
magsaka at mag-alaga ng hayop. Natuto silang gumamit ng irigasyon sa pagsasaka ng palay, taro, nipa at iba pa. Ang pagkakaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng mga sinaunang Pilipino sa pamamgitan ng pangingisda at pagsasaka ang dahilan ng pagiging permanente ng kanilang tirahan

Maagang panahon ng Metal:
800-250 B.C.E. ay natagpuan sa Palawan, Masbate at Bulacan ang mga sibat, palaso
at kutsilyo. Ang tanso ay maaaring namina nila sa mga kabundukan ng Pilipinas.
Samantala pinananiwalaan ng mga antropolgo na ang bronse, ling-ling at palamuti na
yari sa jade ay buhat sa mga mangangalakal ng Timog-silangang Asya.

Panahon ng Metal:
Higit na napaghusay ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang mga kasangkapang metal. Patunay rito ang nahukay na talim na mga sibat, kampi, gulok, kutsilyo, at iba pang sandata sa Kalanay sa Masbate at Novaliches sa Quezon City.

Paano nagbago ang kanilang kabuhayan?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.