Sumulat ng maikling talata tungkol sa epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa
pamumuhay ng mga Pilipino.
______________________________________________________________

Answers & Comments
Answer:
Pinagtuunan ng pansin ng mga espanyol ang pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga pilipino. Ngunit naging mabagal ang pag-unlad ng ating kabuhayan dahil itinuon ng mga espanyol ang kanilang pansin sa pagpapalaganap ng relihiyon at ikalawa kulang sa kaalamang pangkabuhayan ang mga espanyol.
Gayunpaman nagkaroon ng mga pagbabago sa ating kabuhayan sa ilalalim ng mga espanyol.Ipinakilala ang mga bagong halaman at hayop na galing Mexico.Halimbawa ng mga halaman ng kakaw,kape,mais,maguey,mani,chico,at papaya.Sa mga hayop naman ay ang kambing,kabayo,baka,pato,tupa,at gansa.
Nagpakilala rin ang mga espanyol ng mga bagong industriya sa Pilipinas .Tinuruan nila ang mga pilipino ng mga bagong paraan ng pagsasaka ,paggawa ng sabon at kandila,paggawa ng bahay na bato at pagmimina.