Pamprosesong tanong:
1.Ano ang iyong gagawin upang maipakita ang pagmamalasakit sa iyong paaralan at sa inyong manlalaro?
2.Bakit kailangan mong suportahan at tulungan ang paaralan at mga manlalaro sa magaganap na athletic meet?
3.Paano nahahawig ang ipinakita mong suporta at pagmamahal sa inyong mga manlalaro sa pag mamahal at pagmamalasakit sa isang kababayan at sa mismong bayan?
Answers & Comments
Answer:
1 Kung mayroon mang silang mga kagamitan na kakailanganin sa patimpalak, tutulong ako upang makalikom sila ng sapat na pera para dito. Sa mismong araw ng patimpalak ay magdadala ako ng posters atbp., kasama ang aking iba pang kaklase at mga kamag-aral upang i-cheer sila nang lumakas ang kanilang loob at ganahan sila sa paglalaro.
2 Ang mga mag-aaral na nasang iisang paaralan ay dapat nagkakaisa. Dapat sila-sila rin ang nagtutulungan para sa kaunlaran at karangalan ng kanilang paaralan. Hindi lamang kasi sumasali ang mga atleta ng eskwelahan para sa papuri at pagkilala para sa kanilang sarili, bagkus ay dala nila ang pangalan ng inyong paaralan, sa anumang patimpalak na kanilang sinasalihan.
3 Katulad ng pagsuporta at pagmamahal sa mga manlalaro, ang lahat ay nagtutulong-tulong sa ating komunidad upang mas maging maayos at maunlad ang ating lipunan. Ang mga atleta ay parang mga frontliner. Sila ang pinakamasasaktan o maaapektuhan kung may mga bagay na papalpak, at tayo lagi ang suporta. Habang kumikilos sila, dapat mayroon din tayong ginagawa o ginagawa rin natin ang lahat ng makakaya natin para matulungan silang tapusin ang kanilang gawain, sa iisang layuning mapaunlad ang ating lipunan.