1.Bakit kailangang pumili ni Alice?
2.Ano ang magiging kahihinatnan kung patuloy na maglalakbay si Alice na walang siguradong patutunguhan?
3.Bilang isang kabataan anong pagpipili ang karaniwan mong ginagawa? Ano ang pinagbabatayan mo ng iyong pagpili?
4.Ano ang kaugnayan ng tao sa kanyang pagpapahalaga sa kanyang pagpili? Ipaliwanag
Answers & Comments
Verified answer
Tanong 1
Kailangang pumili ni Alice upang makapunta sa nais niyang puntahan at marating. Maaari niyang piliin ang paglalakbay na may tiyak na pupuntahan. Puwede din ang paglalakbay ng walang tiyak na pupuntahan.
Tanong 2
Ang maging kahihinatnan ng paglalakbay ng walang patutunguhan ni Alice ay makakapunta siya kahit saan. Maaari itong ihalintulad sa paglalayag na walang direksyon. Malayo nga ang mararating, pero mapapagod ka din dahil hindi ka matatapos sa paglalakbay.
Tanong 3
Bilang kabataan nagiging pagpili ko ang pagkakaraoon ng kaibigan, edukasyon at karera, at pag-ibig. Sa pagpili ng kaibigan, pinipili ko ang taong may mabuting impluwensya sa akin. Hinihingi ko ang opinyon ng aking mga magulang para sa aking edukasyon atmagiging karera. Sa pagpili ng mamahalin, ibinabatay ko ito ugali at pagiging totoong tao niya.
Tanong 4
Ang pagpapahalaga sa pagpili ay may kaugnayn sa ating bilang tao. Kung ano ang pinipili nating gawin o maging kaibigan ay nagpapakilala ng ating pagkatao. Halimbawa, kapag lagi kang sumasama sa mga responsableng kaibigan makikilala ka na responsible din.
Karagdagang kaalaman:
Sino si alice in wonderland?: brainly.ph/question/2203065
#LetsStudy