PAGTATAYA: TAMA O MALI
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang TAMA
kung ang pahayag ay totoo at MALI kung hindi.
1. Hazard assessment ang tawag sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinsala na
maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna.
2. Ang pagsukat sa kahinaan ng isang komunidad sa pagharap sa hazard ay
tinatawag na vulnerability assessment.
3. Mayroong tatlong uri ng pagtataya ang Disaster Risk Assessment, ito ay ang
Needs Assessment, Damage Assessment at Loss Assessment.
4. Sa Capacity Assessment partikular na sinusuri ang mga istruktura kagaya ng
bahay, paaralan, kalsada at iba pa.
5. Ang pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard at
ang mga elemento tulad ng gusali at kabahayan na maaaring mapinsala ay
hazard mapping.
6. Ang pakikibahagi ng mga mamamayan sa mga pagtataya ay daan upang
maging mabilis at matiwasay ang pagbangon ng bawat isa sa pamayanan.
7. Sa pamamagitan ng Disaster Rehabilitation ang Recovery makababalik sa
dating pamumuhay at kabuhayan ang mga lubos na naapektuhan ng
kalamidad.
8. Needs Assessment ang tawag sa pagtataya sa pangunahing
pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan,
damit at gamot.
9. Ang Disaster Mitigation ay may layunin na mabawasan ang malubhang
epekto ng kalamidad sa tao, ari-arian at kalikasan.
10. Isinasagawa ang historical mapping upang makita kung ano ang mga hazard
na naranasan sa isang komunidad, gaano ito kadalas maranasan, at kung
alin sa mga ito ang pinakamapinsala.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.