Pa help po ako need ko na po


37..Ang mga sumusunod ay mga nagawa ng Unang Republika ng Pilipinas MALIBAN sa isa
A. Nagbukas ng mga paaralan
B. Nagtatag ng opisyal na pahayagan
C. Nilagdaan ang konstitusyon ng Biak na Bato
D. Pagsasaayos ng mga gawaing propaganda at pandiplomatiko
38. Ito ang naging hudyat ng Digmaang Pilipino-Amerikano kung saan ay binaril ni William Walter Grayson ang isang Pilipino noong ika-4 ng Pebrero, 1899 at nagsimula ng palitan ng putukan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano.
A. Unang Putok sa Silencio at Sociego
B. Labanan sa Look ng Maynila
C. Labanan sa Balangiga
D. Labanan sa Pasong Tirad
39. Ito ay nilagdaan noong Disyembre 10, 1898 na nagtapos sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Nakasaad sa kasunduang ito ang pagbili sa Pilipinas mula sa Espanya sa halagang $20,000,000 ng Estados Unidos.
A. Kasunduang Bates
B. Kasunduan sa Biak-na-Bato
C. Kasunduan sa Naic
D. Kasunduan sa Paris
40.Sa labanang ito nakilala si Hen. Gregorio del Pilar habang kaniyang pinatatakas si Hen. Emilio Aguinaldo mula sa mga tumutugis na mga Amerikano.
A. Labanan sa Balangiga
B. Labanan sa Bundok Bagsak
C. Labanan sa Pasong Tirad
D. Labanan sa Look ng Maynila
41.Isa ito sa pinakatanyag na labanan sa pagitan ng mga Amerikano at mga Pilipino na nangyari noong Setyembre 28, 1901 sa pamumuno ni Hen. Vicente Lukban sa isla ng Samar.
A. Labanan sa Balangiga
B. Labanan sa Bundok Bagsak
C. Labanan sa Pasong Tirad
D. Labanan sa Look ng Maynila
42.Maraming nakilalang Pilipinong nagpakita ng katapangan sa pakikipaglaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Tumagal ang labanang ito ng ____________ taon. *
A. apat
B. dalawa
C. lima
D. tatlo
43.Ang kasunduang ito ay nilagdaan ni Hen. John C. Bates Sultan Hadji Mohammed Jamalul Kiram II ng Sultanate of Sulu noong Agosto 20,1899.
A. Kasunduang Bates
B. Kasunduan sa Biak-na-Bato
C. Kasunduan sa Naic
D. Kasunduan sa Paris
44. Si _____________________ay kinikilala bilang pinakamahusay na Pilipinong heneral sa kaniyang panahon at namuno sa Hukbong Sandatahan ng Himagsikang Pilipino.
A. Antonio Luna
B. Gregorio del Pilar
C. Miguel Malvar
D. Macario Sakay
45.Nahirang na brigadyer heneral si __________________ nang sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Isa rin siya sa mga huling heneral na sumuko sa mga Amerikano.
A. Antonio Luna
B. Gregorio del Pilar
C. Miguel Malvar
D. Macario Sakay
46. Alin sa mga sumusunod ang naging ambag ni Hen. Miguel Malvar sa Digmaang Pilipino-Amerikano?
A. Nagtanggol sa sa Pasong Tirad.
B. Itinatag niya ang Academia-Militar.
C. Naging kinatawan sa Philippine Assembly
D. Inako ang responsibilidad ng pamumuno ng hukbong Pilipino.
47. Kilala bilang “Matang Lawin” naging mahusay na pinuno at estratego ng mga rebolusyonaryo. Naging kinatawan sa Philippine Assembly.
A. Apolinario Mabini
B. Gregorio del Pilar
C. Isidoro Torres
D. Emilio Aguinaldo
48. Itinuring siyang “Utak ng Himagsikang Pilipino.” Siya ang naging tagapayo ni Aguinaldo sa panahon ng rebolusyon kung kaya’t siya ay nakilala bilang “Dakilang Lumpo”.
A. Apolinario Mabini
B. Gregorio del Pilar
C. Isidoro Torres
D. Emilio Aguinaldo
49. Ang mga sumusunod ay mga nagawa ni Hen. Antonio Luna para sa Pilipinas. MALIBAN SA ISA.
A. Pinamunuan niya ang pakikipaglaban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng pagtatatag ng Kilusang Katipunan
B. Sumapi sa Kilusang Propaganda na humihingi ng pagbabago sa mapayapang pamamaraan
C. Pinamunuan niya ang Jukbong Sandatahan ng Himagsikang Pilipino.
D. Itinatag niya ang Academia Militar.
50. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginawa ni Isidoro Torres?
A. Bumuo ng pangkat ng Katipunan sa Bulacan.
B. Hinarang ang mga Espanyol sa Ilog ng Masukol
C. Lumaban sa Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Antonio Luna.
D. Nakipagkasundo sa mga Espanyol para sa kalayaan ng bansa.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.