ExplanatioSa nakatagong kabundukan, sa mga masinsing puno at halaman, sa mga kanugnog na sityo at lunan doon nagkukubli at namumuhay ang mga B’laan. Kinukumutan ng gintong hamog na humahalik sa pisngi ng lupa ang kanilang pamayanan, animo’y nasa paraisong nakatulakbong dahil nilalamigan sa bawat banayad na dampi ng hangin. Sa pagputok ng araw sa silangan panibagong hamon ang kanilang kahaharapin: pag-iigib ng tubig sa malayong lugar, pagsasaka sa bukid, pamumutol ng mga kahoy upang gawing uling at pamimitas ng mga bungang-kahoy sa kanilang mga bakuran.
Ganito kapayak ang kanilang pamumuhay. Malaya silang nabubuhay kasama ang yaman ng paligid. Naririyan silang nangunguha lamang ng gulay, nag-aalaga ng kanilang patabaing-baboy at nag-aararo sa tumanang kanilang pinagkukunan ng salapi. Masayahin ang mga B’laan , mahilig silang kumanta at umawit ng mga katutubong awiting ipinamana sa kanila ng kanilang mga ninuno, mahusay silang magsalaysay ng mga nakakatawang pangyayari na sumasalamin sa kanilang magaang pamumuhay. Ang mga B’laan ay matulungin, sama-sama nilang pinauunlad ang kanilang nayon, sama-sama nilang binubuo ang kanilang mga pangarap sa mumunting ambag nila sa kanilang diwa ng pagkakaisa ay sumasabay sa ihip ng hangin. Ang pagngata ng nganga (betel nut) ay isa sa mga kapansing-pansing ginagawa ng mga B’laan, ang bawat pagnguya ng bunga ay pagpapakita ng kanilang makulay na tradisyong hinabi ng kanilang makasaysayang ngiti, kalawanging mga ngiping sumisimbolo ng malawak nilang karanasan.n:
Answers & Comments
Answer:
1.Tiboli
2.Maranao?
3.Yakan
Explanation:
Yan po pero sa 2 di ako sigurado pero yan po sagot ko