Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Batay sa binasang teksto,magtala ng ilang kontribusyon ng kabihasnang Romano. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Kategorya Pulitika Pamumuhay Gusali Kontribusyon
༆ NONSENE-REPORT ༆
༆ NONSENE-REPORT ༆
༆ NONSENE-REPORT ༆
༆ NONSENE-REPORT ༆
Answers & Comments
Answer:
PULITIKA
KONTRIBUSYON
Ang mga Roman ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng
sinaunang panahon. Ang kahalagahan ng Twelve Tables ay ang katotohanan na
wala itong tinatanging uri ng lipunan. Ito ay batas para sa lahat, patrician o
plebeian man. Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen at tantiyahin ang
kaukulang parusa. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at
ang pamamaraan ayon sa batas.
PAMUMUHAY
KONTRIBUSYON
Ang mga Roman ay nagpakita rin ng kanilang galing sa inhenyeriya.
Nagtayo sila ng mga daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo
kabilang ang mga nasa malalayong lugar. Karamihan sa mga daang ginawa nila
noon ay ginagamit pa rin hanggang ngayon. Isang halimbawa nito ay ang Appian
Way na nag-uugnay sa Rome patungo sa timog Italy. Gumawa rin sila ng mga
aqueduct upang padaluyin ang tubig papunta sa lungsod.
GUSALI
KONTRIBUSYON
Ang mga Roman ang nakatuklas ng paggawa at paggamit ng semento.
Gumamit din sila ng tinatawag na stucco, isang uri ng plaster na pampahid at
pantakip sa labas ng pader. Umaangkat sila ng marmol mula sa Greece.
Samantala, ang paggawa ng arch ay natutuhan nila mula sa mga Etruscan na
ginagamit sa mga temple, aqueduct, at iba pang mga gusali. Isa sam mga uri ng
gusaling ipinakilala ng mga Roman ay ang basilica, isang bulwagan ng
nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Assembly. Ang forum ay tumutukoy
sa sentro ng lungsod. Samanatala, ang Colloseum ay isang amphitheater para
sa labanan ng mga gladiator.
Explanation:
PLSS MARK ME AS A BRAINLIEST ANSWER