Gawain 4
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang pamahalaan?
2. Anu-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pamahalaan sa ating bansa?
___________________________________________________________
3. Paano nakatutulong ang pamahalaan sa dinaranas nating pandemya?
Answers & Comments
Answer:
1.Ang pamahalaan o gobyerno ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo. Maraming kahulugan kung ano ang binubuo ng isang pamahalaan.
2.Ang pamahalaan ay mahalaga sapagkat ito ay isang organisasyon kung saan ay may kapangyarihan upang gumawa ng batas at magpatupad ng batas na siyang nagbibigay ng pangangailangan ng ekonomiya .
3.Sa pamamagitan Ng pagpapa tupad Ng batas na sundin ang safety protocols upang maiwasan ang nakakahawang virus.