Disiplina Para sa Kapaligiran
Damhin ang amihang may samyo ng mga bulaklak;
Iwaglit ang lumbay, mangarap at ngumiti sa tuwi-tuwina; Sa kapaligiran ialay ang lugod na abot hanggang alapaap; Iwasan ang magyurak, pagsira at pag-abuso sa Kalikasang Ina. Panuntunan ay sundin at ang mga batas na sa ati’ypinaiiral; Lingapin para sa kalupaan, kalawakan, karagatan at kalipi; Isipin muna ang gagawin, kalikasa’y laging isaalang-alang; Nasa disiplina ng tao upang mundo’y laging may ngiti. Araw-araw ang kalinisan at kaayusan kahit saan mang lugar; Dapat isaisip, isapuso at isagawa ng matamda man o bata; O, kay saya ng lahat, may disiplina para sakapaligiran!
Mga tanong:
1. Ano ang mensahe ng tula?
2. Anong ang kailangang gawin ng mga tao para mapanatiling malinis at maayos ang kapaligiran?
3. Sino-sino ang dapat magkaroon ng disiplina?
4. Ano ang mga mangyayari kapag nagkaisa ang lahat para sa pinapangarap na mundo?
5. Ano ang naidudulot ng kalinisan at kaayusan sa buhay ng mga mamamayan?
Answers & Comments
Answer:
1. Ang mensahe ng tula ay dapat ingatan ang ating kapaligiran, mga halaman ay alagaan para sa inang bayan, batas ay sundin para sa kapayapaan.
2. Ang kailangang gawin ng tao para mapanatili ang kalinisan ay dapat laging mag linis sa kapaligiran, huwag yurakan ang mga halaman, at sundin ang mga batas na ipanatupad ng bayan.
3. Ang dapat magkaroon ng disiplina ay ang mga tao na nagsisilbi sa kalikasan ng inang bayan.
4. Ang mangyayari ay magiging maganda ang takbo ng buhay ng tao sa ibabaw ng mundo at laging nakangiti ang inang bayan. Mga halama'y kulay berde na nagbibigay ng magandang tanawin para sa lahat.
5. Ito ay nagdudulot ng pagkakaroon ng masustansiyang katawan at pagkakaroon ng mapayapang pamumuhay.
#CarryOnLearning!