Gawain 3. Pag-aanalisa. Batay sa mga sumusunod na sitwasyon, tukuyin kung anong elemento ng Istrukturang Panlipunan ang inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa kwaderno. 1. Ang mga magulang nina Edgar at Ellena ay parehong may magandang hanapbuhay. Ang kanilang ama ay supervisor sa isang kilalang kumpanya sa Maynila habang ang kanilang ina ay propesor sa isang kilalang unibersidad. Dahil dito lahat ng kanilang mga pangangailangan ay madaling naibibigay ng kanilang mga magulang. 2. Si Andrew ay mabait at masipag na mag-aaral, lagi siyang nakakakuha ng matataas na marka at mga pagkilala sa kanilang paaralan. Para sa kanya tungkulin niyang pagbutihan ang kanyang pag-aaral dahil ito ang bilin ng kanyang mga magulang. 3. Ang mga manggagawa ng "One Star Company" sa Bataan na isang kilala sa paggawa ng sardinas ay nag welga sa harap ng kanilang kumpanya upang iparating sa pamunuan ang kanilang hinaing. Ayon sa kanila maraming paglabag sa karapatan bilang manggagawa ang nilalabag ng kanilang kumpanya. Ilan dito ay ang hindi tamang pagbibigay ng overtime pay at benepisyong medikal. 4. Sa panahon ng pagkakaroon ng COVID-19 sa ating bansa maraming mga gawain sa araw-araw ang natigil dahil na rin sa utos ng pangulo ng ating bansa. Ito ay isinagawa sa buong bansa para sa kaligtasan ng bawat mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang pagtigil sa mga hanapbuhay ng mga tao tulad ng mga manggagawa sa transportasyon at konstruksyon. Ang mga gawain na may kinalaman sa relihiyon ay pansamatalang pinatigil at maging ang pag-aaral at gawain sa mga paaralan. Ang epidemyang ito ay isang isyung pangkalusugan na kinakaharap ng ating bansa. . Si Ellena ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid, habang bakasyon ay tumutulong sya sa kaniyang ina sa kanilang tindahan ng mga gulay at isda sa palengke. Ito ay kaniyang ginagawa upang mapagaan ang gawain ng kanyang ina sa pagtitinda.​​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.