Madaling maging tao pero mahirap magpakatao, isang katotohanang kayhirap tanggapin. Pero kung lubos nating pag-iisipan, higit ngang mas madaling gumawa ng bata kaysa palakihin ito nang may tamang pag-uugali. Hindi ibig sabihin na kapag isinilang na ang isang tao ay may karapatan na siyang mabuhay sa kahit anong paraan niya gusto. Tandaan nating ang karapatan nating mabuhay ay may kalakip na obligasyon at responsibilidad. At hindi ‘yon madaling tupdin.
Sa panahon natin ngayon, mahirap na talagang makahanap ng totoong tao. Laganap na ang pamemeke ng pagkakakilanlan. Sa mga ayaw maniwala, pumunta kayo ng Recto. Kung nanonood ka talaga ng balita at kilala mo si Janet Napoles kasama ang mga huwad niyang NGO, maniniwala ka. Idagdag mo pa ang ka-“double” ng paborito mong artista sa isang teleseryeng inaabangan mo gabi-gabi.
Isa ka bang estudyante na naghahanap ng magiging kaibigan sa paaralan? Hindi mo maiiwasang maging kaibigan si Michael, yung mga kaibigang nandiyan lang ‘pag MICHAELangan. Ayos hindi ba? Lagi bang malamig ang Pasko mo? Maraming tao riyan na handa kang lokohin, gamitin, at pagsamantahalan. Rehistradong votante ka ba ng ating bansa? Halalan na naman sa darating na 2016. Magpakasawa ka sa mga taong nagbibigay ng “lagay”. Puro pangakong mapapako ulit ang iyong mararanasan. Huwag ka na magulat.
Miminsan na akong luminga-linga sa ating paligid. Nag-observa. Nagmasid. Nakinig. Ngunit ninais ko na pumikit muna sandali. Kaliwa’t kanan kasi ang krimen. Sa aming lugar ay may patayan. Sa kabilang baryo ay may nakawan. Sa televisyon ay may napabalitang babaeng ginahasa. Parang ayaw ko na dumilat, makinig, at dumama, ngunit kailangan.
Isang malaking hamon buhat pa noong umpisa ng daigdig ang maging tao, mula sa pagsunod sa Sampung Utos ng Diyos hanggang sa pagsunod sa sinasabi ng sinisigaw ng ating puso. Alam kong hindi maiiwasan ang magkamali, sino bang hindi nagkakasala? Madali talagang maging tao pero mahirap magpakatao. Parang madaling mag-aral pero mahirap maging Dean’s Lister, madaling magmahal pero mahirap masaktan, madaling magpayo pero mahirap sumunod. Huwag lang tayong magsasawang magbago kung alam nating nakabubuti. Alalahanin natin palagi na may mas nakatataas sa atin. Mahirap man magpakatao, wala namang imposible sa taong naniniwala at sumusunod sa Diyos
Answers & Comments
Answer:

Explanation: