Ang produksyon ay tumutukoy sa proseso ng pagpapalit – anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama – samang mga salik upang mabuo ang output. Ang mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input. Sa ating halimbawa, ang output ay ang mesa at silya. Ang mga input ay ang mga bagay na kinailangan upang mabuo ang produkto.
Ang produksiyon ang tumutugon sa ating pangangailangan. Kung walang produksiyon ay wala rin tayong produkto at serbisyo na ikokonsumo. Ang mga salik na lupa, paggawa, kapital, at entrepreneurship ay may malaking bahaging ginagampanan sa prosesong ito. Kapag ang mga salik na ito ay nag-ugnay-ugnay, ito ay magdudulot ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa ating pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan at pagnanais na makapagsimula ng isang negosyo. Entrepreneur ang tawag sa taong nag – uugnay ng mga salik ng produksyon upang mabuo ang kanilang nais na produkto o serbisyo. Ang entrepreneur ang nakikipagsapalaran, nagkokontrol, at nag-oorganisa sa mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksiyon. Taglay niya ang pag-iisip na maging malikhain, puno ng inobasyon, at handa sa pagbabago.
Mga Katangian ng Isang Matagumpay na Entrepreneur:
kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo
malakas na loob sa pagharap at pakikipagsapalaran sa kahihiantnan ng negosyo
matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan
Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakagagawa rin ng iba pang produkto. Mas nagiging mabilis ang produksyon kapag may mga makinarya o kagamitang magagamit ang mga manggagawa o trabahador. Ang kapital ay maaring pera, imprastruktura tulad ng gusali, kalsada, at mga tulay pati na ang mga sasakyan. Ayon sa mga eksperto, kinakailangang ng Pilipinas na mangalap ng malaking capital upang matamo ang pagsulong. Ang paggamit ng kapital ay nagbubunga ng mga interes.
Ang lupa ay tumutukoy sa lahat ng likas na yaman na nasa ibabaw at ilalim ng lupa tulad ng yamang – gubat, yamang mineral, at yamang – tubig. Ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang. Samakatuwid, ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga para sa produksyon sapagkat malaki man o maliit ang sukat nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.
Ang paggawa ay tumutukoy sa proseso kung saan ang mga hilaw na materyales at likas na yaman ay ginagamit at ginagawa bilang bagong produkto upang maging kapaki – pakinabang. Sa prosesong ito kinakailangan ang partisipasyon ng mga manggagawa o ang tinatawag na lakas – paggawa.
Lakas – Paggawa:
Ang lakas – paggawa ay tumutukoy sa kakayanan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.
Dalawang Uri ng Lakas – Paggawa:
may kakayahang mental o white collar job
may kakayahang pisikal o blue collar job
Ang white collar job ay higit na gumagamit ng isip kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa.
Halimbawa:
abogado
doktor
guro
inhinyero
Ang blue collar job ay higit na ginagamit ang lakas ng kanilang katawan kaysa sa isip sa paggawa.
Answers & Comments
Answer:
<3
Explanation:
maganda guwapo ka no need explaination
Answer:
Produksyon:
Ang produksyon ay tumutukoy sa proseso ng pagpapalit – anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama – samang mga salik upang mabuo ang output. Ang mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input. Sa ating halimbawa, ang output ay ang mesa at silya. Ang mga input ay ang mga bagay na kinailangan upang mabuo ang produkto.
Ang produksiyon ang tumutugon sa ating pangangailangan. Kung walang produksiyon ay wala rin tayong produkto at serbisyo na ikokonsumo. Ang mga salik na lupa, paggawa, kapital, at entrepreneurship ay may malaking bahaging ginagampanan sa prosesong ito. Kapag ang mga salik na ito ay nag-ugnay-ugnay, ito ay magdudulot ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa ating pang-araw-araw na pangangailangan.
Kahulugan ng produksyon: brainly.ph/question/397951
Mga Salik ng Produksyon:
entrepreneurship
kapital
lupa
paggawa
Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan at pagnanais na makapagsimula ng isang negosyo. Entrepreneur ang tawag sa taong nag – uugnay ng mga salik ng produksyon upang mabuo ang kanilang nais na produkto o serbisyo. Ang entrepreneur ang nakikipagsapalaran, nagkokontrol, at nag-oorganisa sa mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksiyon. Taglay niya ang pag-iisip na maging malikhain, puno ng inobasyon, at handa sa pagbabago.
Mga Katangian ng Isang Matagumpay na Entrepreneur:
kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo
malakas na loob sa pagharap at pakikipagsapalaran sa kahihiantnan ng negosyo
matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan
Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakagagawa rin ng iba pang produkto. Mas nagiging mabilis ang produksyon kapag may mga makinarya o kagamitang magagamit ang mga manggagawa o trabahador. Ang kapital ay maaring pera, imprastruktura tulad ng gusali, kalsada, at mga tulay pati na ang mga sasakyan. Ayon sa mga eksperto, kinakailangang ng Pilipinas na mangalap ng malaking capital upang matamo ang pagsulong. Ang paggamit ng kapital ay nagbubunga ng mga interes.
Ang lupa ay tumutukoy sa lahat ng likas na yaman na nasa ibabaw at ilalim ng lupa tulad ng yamang – gubat, yamang mineral, at yamang – tubig. Ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang. Samakatuwid, ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga para sa produksyon sapagkat malaki man o maliit ang sukat nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.
Ang paggawa ay tumutukoy sa proseso kung saan ang mga hilaw na materyales at likas na yaman ay ginagamit at ginagawa bilang bagong produkto upang maging kapaki – pakinabang. Sa prosesong ito kinakailangan ang partisipasyon ng mga manggagawa o ang tinatawag na lakas – paggawa.
Lakas – Paggawa:
Ang lakas – paggawa ay tumutukoy sa kakayanan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.
Dalawang Uri ng Lakas – Paggawa:
may kakayahang mental o white collar job
may kakayahang pisikal o blue collar job
Ang white collar job ay higit na gumagamit ng isip kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa.
Halimbawa:
abogado
doktor
guro
inhinyero
Ang blue collar job ay higit na ginagamit ang lakas ng kanilang katawan kaysa sa isip sa paggawa.
Halimbawa:
karpintero
drayber
magsasaka
pintor
Mga salik ng produksyon: brainly.ph/question/244695
Mga halimbawa ng lakas – paggawa: brainly.ph/question/450913
Explanation:pa brainliest po pls