Pa help po dito Please
Magbigay ng Tula
Kahit anong pong tula basta Nakapanghihikayat ng mababasa
Maayos ang daloy ng pagsalaysay
Malinaw na ilalahad ang mensaheng ibig iparating sa mambabasa
May kaisahan ang mga ideyang nabuo
May angkop at wastong gamit ng mga salita
Masining
Malikhain at ayon sa tema
Answers & Comments
Answer:
'Paghilom'
Marahil ang mundo ay parisukat at hindi bilog,
kagaya ng pintig ng pusong tila wala nang tunog
At bawat salita ay wari'y salaming naging bubog,
Mga ngiti mong unti-unti nawalan ng alindog.
Tila mga ulap ay puno ng galit,
Hintaying dumampi sa iyong balat ang ulam na kay pait,
Habng inaalala ang sakit ng paulit-ulit,
At iyong hiniling na sana'y hindi sinapit.
Muli, ang kasagutan ay nahantung sa katanungan
Sa bawat sulok ng iyong silid na nakaraan,
Pag ibig na parang rosas na niyayakap ng kalungkutan,
Nais ng ibaon hanggang sa ito'y makalimutan
Sa huli, ang mundo ay bilog at hindi parisukat,
Ang puso'y natutong umawit at namulat,
Unti-unting pinulot ang sanhi ng sugat,
Ang sakit ay pinalaya at naglaho ang bigat
Paghilom ay mahahagkan mo kinabukasan.