Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel. Gawin sa loob ng 3 minuto.

1. Ang pamahalaan ay nagbibigay ng libreng bakuna sa mga bata,
deworming sa mag-aaral at libreng gamot para sa mga
nangangailangan nito. Sa iyong palagay, anong uri ng serbisyo
o gampanin ang naibibigay sa mga tao?

A. Pang-ekonomiya

B. Katarungang Panlipunan

C. Kagalingang Palipunan

D. Panseguridad

2. Nahinto sa pag-aaral ang iyong kuya. Natutuhan mo sa
paaralan na may programa sa Edukasyon para sa mga nahinto
ng pag-aaral. Ano ang iyong gagawin?

A. Alamin sa guro kung kanino magtatanong dahil alam mong
interesado ang iyong kuya.

B. Hindi na sasabihin sa kuya tutal namamasukan na sya

C. Hayaan na lamang ang iyong kuya dahil matanda na siya

D. Hindi na lamang papansinin dahil magastos ito.

3. Ang mga sumusunod ay mga gampanin o gawain ng
pamahalaan para sa mga tao. Alin dito ang gawaing o
serbisyong pangkapayaan?

A. Pagbibgay ng lupang pansakahan sa mga magsasaka.

B. Pagbibigay ng mga puhunan sa mga tao.

C. Pagbibigay ng tamang sahod at benipisyo ng mga
manggagawa.

D. Pagbabantay ng mga hukbong pandagat sa mga baybaying
dagat ng bansa.

4. Si Mario ay inakusahang sa pagkakasalang pagnanakaw ng
kanyang kabitbahay. Ano kaya ang maaaring gawin niya para
maipagtanggol ang sarili?

A. Tumakas at balikan ang nag-aakusa upang takutin na
huwag na siyang kasuhan.

B. Ipost sa social media para makahingi ng tulong sa mga tao.

C. Humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office para mabigyan
ng abogado na magtatanggol.

D. Hayaan na lamang na makulong sa salang hindi naman
ginawa.

5. Sa nagdaang bagyo tulad ng Rolly at Ulysses, maraming bahay
at kabuhayan ang naapektuhan ng mga nito. Sa iyong palagay,
paano makatutulong ang pamahalaan sa mga nasalanta ng
kalamidad?

A. Pagbibigay ng relief goods, gamot at pangkabuhayang
maaring pagsimulan ng mga biktima ng kalamidad.

B. Pagpapautang ng puhunan para sa maitayong muli ang
kanilang bahay.

C. Putulin ang mga natitirang puno upang ipamigay sa mga
nasalanta ng bagyo.

D. Hayaan na lamang ang mga nasalanta ng bagyo na
magsumikap sa sariling paraan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.