Kumonsulta si Ana sa doktor dahil masakit ang kanyang ulo. Alin sa sumusunod ang gamot na nireseta sa kanya?

A. antidiarrheal
B. analgesic
C. antihistamine
D. antibiotic

Saan ginagamit ang gamot na antihistamine?

A. tuyong ubo
B. pangangati ng balat
C. sakit sa kalamnan
D. sakit sa ngipin

Ito ang tawag sa uri ng gamot na nabibili sa mga botika o parmasya na kailangan ng reseta ng doktor upang makabili.

A. Over-the-counter medicine
B. Addictive medicine
C. Prescription medicine
D. Preventive medicine

Ang sumusunod ay mga sitwasyong nagpapakita ng maling paggamit ng gamot MALIBAN sa isa.

A. pag-inom ng gamot ayon sa reseta ng doktor
B. paggamit nang labis sa sukat (over dosage) na kailangan na gamot
C. pag-inom ng iba’t ibang klase ng gamot sa parehong sakit
D. paggamot sa sarili (self-medication)

Ano ang maaaring mangyari kapag hindi natin sinunod ang mga alituntunin na dapat sundin sa pag-inom ng gamot?

A. malulunasan ang ating sakit
B. patuloy na lalala ang karamdaman
C. magiging masayahin
D. lalakas ang ating immune system

Alin sa mga sumsunod na sitwasyon ang nagsasaad ng tamang paggamit ng gamot?

A. Sa pagnanais na gumaling agad, dinoble ni Marshia ang dami o dosage ng gamot na nakasaad sa reseta sa kaniya ng doktor.
B. Upang mas makamura, bumili si Andrew ng niresetang gamot sa kanya sa isang tindahan sa banketa na hindi awtorisadong magbenta ng gamot.
C. Nakaugalian na ni Anthony ang magbasa ng label ng gamot bago niya iniinom ito upang masiguro na tama ang kaniyang iniinom.
D. Ibinigay ni Ana kay Jose ang reseta ng doktor sa kanya noong siya ay magpatingin sa doktor at sinabing ito rin ang gamot na dapat niyang bilhin at inumin sapagkat pareho ang sintomas ng kanilang naging karamdaman.

Si Antonio ay ilang beses nang pabalik-balik sa palikuran upang dumumi at nanghihina na siya. Anong uri ng gamot ang maaari niyang inumin upang maibsan ito?

A. Antidiarrheal
B. Antibiotic
C. Antihistamine
D. Analgesic

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.