Bumagsak ang republika ng Rome dahil sa ilang mga pangyayari. Naririto ang mga dahilan ng pagbaksak ng republika ng Rome. Isa-isa nating alamin ang mga ito.
PAGTAAS NG BUWIS
Dahil sa matinding pangangailangan, napilitan ang mga emperador ng Rome na magtaas ng buwis. Dahil sa pagpapairal ng pamahalaan ng mapaniil na paraan ng pangongolekta ay walang nagawa ang mga mahihirap upang tumanggi samantalang ang mga patrician naman ay nagawang umiwas sa pagbabayad ng buwis.
PAGPILI NG EMPERADOR
Naging isang malaking problema para sa republika ng Rome ang pagpili ng emperador dahil sa kawalan ng batas na nagsasaad ng pagiging emperador, senador, ng pribadong hukbo ng emperador, gayundin ang hukbo ng imperyo.
PAGHINA NG EKONOMIYA
Dahil sa madalas na labanan sa ilang mga lungsod, hindi na ligtas ang manirahan dito. Sa ganitong kalagayan, nilisan ng mga patrician ang mga lungsod at nanirahan sila sa kanilang mga villa sa mga kanayunan. Ang mga villa ay malalayo sa isa't isa at may kakayahang magsarili na hindi umaasa at bumibili ng mga kalakal mula sa mga lungsod. Dahil dito, ang mga manggagawa at craftsmen sa mga lungsod ay nawalan ng trabaho at sila ay naging magsasaka na lamang.
PAGBABA NG POPULASYON
Ang paghina ng ekonomiya ng imperyo ay naging dahilan ng pagbaba ng populasyon. Lumiit ang ilang mga pamilya sapagkat hindi na makayanan ang gastos ng pagkakaroon ng maraming anak. Dahil dito ay marami rin ang namatay sa sakit at nang maglaon, nagkulang na din ang ang mga taong magsasaka sa mga lupa at mga trabahador sa mga pabrika at ang ilang mga manggagawa sa ilang bahagi ng imperyo ay nilagyan ng palatandaan upang hindi ito magpalit o magbago ng trabaho.
PAGSALAKAY NG MGA BARBARO
Habang humihina at unti-unting bumabagsak ang imperyo ay tila nakaabang naman ang ilang pangkat ng mga barbaro upang salakayin ang imperyo. Sa pagsalakay nila ay nagkaroon ng iba't ibang mga pinsala sa republica gayundin sa mga mamamayan nito.
Answers & Comments
Verified answer
ANG PAGBAKSAK NG ROME
BAKIT BUMAGSAK ANG REPUBLIKA?

~DecemberRoyze084~
#CARRYONLEARNING