TANIKALANG LAGOT
Bilang pagpapahalaga ay isa-isahin ang mga tanikala sa buhay ni Leona lalo na noong siya ay nasa panahon ng kanyang kabataan. Isulat ang mga ito at pagkatapos ay magtala ka ng pananaw o saloobing may kinalaman sa mga tiyak na kilos na iyong
gagawin upang makaiwas ka o hindi ka matulad sa kanyang naging kapalaran.
Answers & Comments
Verified answer
TANIKALANG LAGOT
Bilang pagpapahalaga ay isa-isahin ang mga tanikala sa buhay ni Leona lalo na noong siya ay nasa panahon ng kanyang kabataan. Isulat ang mga ito at pagkatapos ay magtala ka ng pananaw o saloobing may kinalaman sa mga tiyak na kilos na iyong gagawin upang makaiwas ka o hindi ka matulad sa kanyang naging kapalaran.
MGA NAGING TANIKALA SA BUHAY NI LEONA
Paglalayas at Pagrerebelde sa Magulang – ang aking gagawin upang makaiwas sa tanikalang ito na naranasan ni Leona ay lagi kong iisipin na mahal na mahal ako ng aking mga magulang at lahat ng ginagawa at iniisip nila ay para sa aking ikabubuti. Kahit kailanman ay hindi ko pagdududahan ang pagmamahal sa akin ng aking mga magulang nang sa gayon ay hindi ko kailanmang iisipin na maglayas o magrebelde sa aking mga magulang.
Pagkadisgrasya niya sa Motor – ang aking gagawin upang makaiwas sa tanikalang ito na naranasan ni Leona ay susundin ko lagi ang pahintulot ng aking mga magulang kahit na ito man ay labag sa aking kalooban dahil alam ko naman na para rin ito sa aking ikabubuti at kaligtasan. Lahat ng payo at pahintulot ng ating mga magulang ay lagi nating susundin sapagkat ang ating mga magulang ay nag-aalala lamang sa atin at sa ating kaligtasan. Kung si Leona ay nakinig lamang sa kaniyang ina at kaniya itong inirespeto kahit na labag sa kaniyang kalooban ay hindi sana siya madidisgrasya at hindi mag-aalala sa kaniya ang kaniyang mga magulang.
Ang Pagkamatay ng Kaniyang Asawa - Ang aking gagawin upang makaiwas sa tanikalang ito na naranasan ni Leona ay lagi kong aalagaan at aarugain ang aking magiging asawa sa hinaharap. Lagi ko siyang mamahalin at hindi ko siya pababayaan. Lahat ng kaniyang pangangailangan at kagustuhan ay ibibigay ko sa kaniya at magiging kontento ako sa lahat ng biyayang natatanggap ko sa buhay, hindi na ako maaaring maghahangad ng higit pa basta’s kasama ko siya kagaya lamang ng pagmamahalan nina Leona at Zosimo na kontento sila sa kung anong mayroon sila basta’t sila ay nagmamahalan at masaya sa kanilang buhay.
Ang Pagkakaroon ng Nanay na Mahigpit ang Proteksiyon - Para sa akin, natural lang isang nanay ang maging maalalahanin sa kaniyang anak. Upang maiwasan ko ang tanikalang naranasan ni Leona ay lagi kong susundin ang mga pahintulot at payo ng aking nanay nang sa gayon ay hindi na niya kailangang maghigpit pagdating sa ating proteksiyon sapagkat makukumbinsi natin sila na kaya na natin at hindi na natin kinakailangan ng proteksiyon.
~DECEMBER_ROYZE~
#CARRYONLEARNING