Ang pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa Burma ay nagsimula noong 1900s sa pamumuno ng mga edukadong Burmese na nakapag-aral sa loob at labas ng bansa. Bagama’t binigyan ng pagkakataon ng mga British na maging bahagi ng lehislatura ang mga Burmese, hindi ito naging sapat upang maisulong ang kapakanan ng Burma. Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Burmese sa pamamagitan ng rebelyon at pagtatatag ng mga makabayang samahan.
Si Saya San ay isang monghe at physician na naghangad ng mas maayos na pamumuhay para sa kaniyang mga kababayan. Pinamunuan ni Saya San ang serye ng rebelyon laban sa mga British mula noong 1930 hanggang 1932. Nagapi ng malakas na puwersa ng mga British ang Rebelyong Saya San.
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nasakop ng Hapon ang Burma. Ang kaganapang ito ay sinamantala ng mga Burmese at idineklara nila ang kanilang kalayaan mula sa Great Britain. Subalit sa kabila ng paglaya mula sa mga British ay nananatili pa dn ang katotohanan na sila ay sakop ng isang dayuhang bansa.
Muling nakipaglaban para sa kalayaan ang mga Burmese ngunit sa pagkakataon ito ay upang mapalayas ang mga Hapones. Itinatag ni Aung San ang Anti - Facist People’s Freedom League. Nakipagtulungan ang samahan na ito sa hukbo ng Allied Powers. Nagtagumpay ang samahan na mapatalsik ang mga Hapones. Dahil sa kaniyang pamumuno, itinalaga si Aung San bilang punong ministro ng Burma noong 1947
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
HOPE IT HELPS